black2

Monday, September 9, 2013

BAHAY NI KUYA III PURCHASE FREE E-BOOK



(Third Person POV)

Isang dalaga busy nagtitingin ng mga romance novels sa isang bookstore, nakasuot siya ng earphones at pabulong na kumamanta at sinasabayan yung pinapakinggan niya. May kinarga siyang libro sa kanyang shopping cart nang biglang may binatang semi kalbo na mala ballerina na nagpapaikot ikot na palapit sa kanya.

Natuwa ang dalaga, kitang kita niya yung binata mukhang masaya, nakapikit ang mga mata nito, May pa tiptoe tiptoe pa ang binata at umaariba sa mala Ballerina poses talaga. Mabilis siya nagspin, di niya nakontrol sarili niya at bigla siya nahilo at naging groggy.

Natili yung dalaga nang natabig ng isang paa ng binata ang kanyang cart, lahat ng laman na libro nagkalat sa sahig. Imbes na magalit yung dalaga nagtakip siya ng bibig pagkat napaupo ng solid ang binata sa pwet niya.

Namulat ang binata, “Oh my, I am so sorry miss prettylicious. No let me” sabi ng binata at bawat libro na nagkalat pinunasan niya ng panyo niya bago ibalik sa cart. Tumayo na siya at tinulak yung cart palapit sa dalaga. “Thank you” pacute ng dalaga. “No need, I am so sorry” sabi ng binata sabay ngumiti at tumalikod na.

Humarap ang binata sa isang book rack, halos back to back sila ng dalaga pagkat tinuloy niya ang pamimili niya ng libro. Napangiti ang dalaga nang marinig kumakanta ang binata kaya inalis niya isang earphone niya at nakinig. “You and I must make a pact…we must bring salvation baaaack. Where there is love…” birit niya at napangiti talaga yung dalaga pagkat maganda yung boses ng binata pero binitin niya yung kanta at di na tinuloy.

Naglakad ang binata tapos nagsimula nanaman kumanta. “I’ve got sunshine on a cloudy day” birit niya kaya bungisngis ang dalaga at napalingon, nakita niya yung binata nakapikit, isang kamay nakahawak sa kanyang dibdib at may hawak siyang libro habang bumibirit.

Sa tuwa kinunan ng dalaga agad ng video yung binata patago pero tumigil ito at napakamot. “When its cold outside” pabulong na kanta ng dalaga. “Oh yeah oh yeah…I’ve got sunshine on a cloudy day. When its cold outside, I’ve got the month of May” kanta ng binata sabay napalingon.

“I guess…” bulong ng dalaga. “I guess you say, What can make me feel this way?” birit ng binata. Lumingon ang dalaga, “My bird, my bird, my bird, talkin bout big bird, is my bird” banat nung binata kaya nagtakip ng bibig ang dalaga at nagpigil ng tawa. Paglingon niya sakto napaharap yung din yung binata sa kanya at nakangisi habang hawak yung isang libro.

Tinignan nung dalaga yung libro at binasa titulo nito, “Kama Sutra” bigkas niya sabay tinignan yung binata, nakangisi ito at tumataas taas ang kanyang kilay ng sabay palandi. “Gago!” sigaw ng dalaga sabay kinuha yung libro at hinampas sa dibdib ng binata.

“Aray! Bakit mo ako hinampas?!” tanong ng binata. “Bastos ka e” sumbat ng dalaga at bigla siyang may narinig mga babaeng nagbubungisngisan sa kabilang rack. “He was showing the book to me” sabi ng isang babae, napahiya tuloy yung dalaga at agad humarap sa binata.

“Oh I am so sorry, I thought you were looking at me” sabi niya. “Miss di porke maganda ka ikaw na agad titignan ko. Pag single ako for sure ikaw at ikaw lang titignan ko pero you see that girl, that is my girlfriend and she is very very horny” landi ng binata at may lumipad na libro at natamaan siya sa mukha.

“Horny ka diyan! Libot kami sa kabila, sunod ka nalang” sabi nung nobya niya kaya napakamot at napahaplos ang binata sa kanyang mukha. “Are you okay?” tanong ng dalaga sabay lumapit. “I am okay, please step back you are too pretty to be too close to me. Selosa kasi siya masyado. Is my face deformed? Do I still look human?” tanong ng binata kaya natawa yung dalaga.

“Don’t worry you still look handsome” pacute niya at nanigas yung binata at nakipagtitigan sa kanya. “Prettylicious girl, you should have your eyes checked up because you are not seeing straight” bigkas ng binata na parang robot.

“Why do you say that?” tanong ng dalaga. “Because you are the first pretty girl who called me that upon first meeting” sabi ng binata. “My eyes are fine and I was just being honest” pacute ng dalaga. “Yes your ass is fine” sabi ng binata sabay tinitigan pwet ng dalaga.

Bungisngis yung dalaga at nahampas yung binata sa braso. “Sabi ko eyes, not ass” pacute niya. “Alam ko hindi ako bingi pero I was just being honest too” sabi ng binata. “Ah..eh..di ko alam kung compliment yon o pambabastos na” bulong ng dalaga.

“Ah bahala ka, kung nabastusan ka e di sorry. Kesa naman sabihin ko maganda ka e alam mo na yon. E di syempre sasabihin ko yung compliment na bihira mo marinig” landi ng binata kaya natawa ang dalaga. “Kakaiba ka” pacute ng dalaga.

“Pocholo! Sabi ko sumunod ka e” sigaw ni Teresa. “Coming girlfriend!” sagot ng binata sabay napakamot. “Under ka pala” bulong ng dalaga. “Kakasawa sa ibabaw, sa illalim mas masarap at hindi nakakapagod” landi ng binata habang naglalakad palayo at bigla siya napayuko nang maramdaman niya isang libro tumama sa likod ng kanyang ulo.

Paglingon ni Pocholo nakatalikod na yung magandang dalaga at sinusuot ang kanyang earphones. Natawa nalang si Pocholo at sinundan sina Teresa at Darlene sa counter. “May Advantage card po kayo?” tanong ng cashier. “Di na niya kailangan, anytime she can take advantage of me” biglang sagot ni Pocholo kaya napingot tenga niya.

“Sa labas ka na nga mag antay” sabi ni Teresa. “To naman nagbibiro lang e” bulong ng binata at nung napatingin siya kay Darlene, ang dalaga may tinatagong libro sa likod niya. Pinakita niyo ito sa binata at nanlaki ang mga mata ni Pocholo pagkat yun yung librong Kama Sutra na hawak niya kanina.

Tinuro ni Darlene ang binata sabay tinuro sarili niya sabay tinuro yung libro. Tumalikod agad si Pocholo at naglakad palabas para doon nalang mag antay. Paglabas nina Teresa at pinsan niya inabot kay Pocholo yung mga pinamili. “Pochoy paki dala naman sa kotse ko tapos sunod ka sa taas kasi titingin kami ng mga damit ni Darlene” lambing ni Teresa.

“Sure” sagot ng binata kaya kinuha niya yung mga pinamili at susi ng kotse. Nauna na sina Tere at Darlene, si Pocholo napatigil nang makita yung nagalit na dalaga palabas na at nabibigatan sa dala niya.

Biglang nagflex si Pocholo at pinasikat ang kanyang bicep. “Ahem..ahem” bigkas niya kaya pagdaan ng binata nagtakip ng bibig ang dalaga at napailing. “Miss if I have offended you in any way with my foolishness please accept my offer to help you carry your baggage until you get a cab” sabi ng binata.

“Naks, hugas kamay?” pacute ng dalaga. “I am sorry” sabi ni Pocholo. “Its okay, kaya ko to thanks nalang” sabi ng dalaga. “Miss tignan mo buhat ko to tapos buhat ko pa yan, o safe ka na kasi di na ako pwede maglilikot. Di naman ako masamang tao e, at tama ka nabastos ata kita kanina” sabi ni Pocholo.

“Hmmm…if you insist” sabi ng dalaga sabay inaabot dala niya sa binata. Binuhat ni Pocholo yung dala niya at nabigatan. “Walanghiya matatapos mo ba itong daming libro? Pwede mo naman balikan yung iba, ang bigat” reklamo ni Pocholo. “See, akin na nga” sabi ng dalaga.

“Joke lang” sabi ni Pocholo at naglakad na patungo sa exit. “Ahmm not there, may kotse ako” sabi ng dalaga. “Oh sakto pala at pinapadala ng girlfriend ko tong mga binili nila” sabi ng binata. “Talagang dinidiin na girlfriend ha” landi ng dalaga.

“Para malinaw at hindi ka na magbalak” bulong ni Pocholo kaya napataas kilay ng dalaga. “Grabe ka ang uptight mo masyado! That was a joke, masyado ka seryosong tao naman” reklamo ni Pocholo kaya bungisngis nalang ang dalaga. “Sorry then, I am not used to jokes like that” sabi ng dalaga.

“Miss sorry ha, I am really trying my best to change for my girlfriend. Trust me pilyo ako at palabiro and I want to change” sabi ni Pocholo. “Pinagbabago ka ba niya?” tanong ng dalaga. “Di naman, kusa kasi para naman mapagmamalaki niya ako as her boyfriend diba?”

“Wala na nga ako facial value, yung big bird ko di naman niya pwede ipasikat para mag agawan pa ako ng friends niya, ahem guys and girls that is kasi uso na ang mga taga Outer space if you know what I mean?” landi ng binata kaya nagtakip ng bibig ang dalaga at nagpigil ng tawa.

“See that, nakawala nanaman kalokohan ko. Shit ang hirap mag adjust ng may love life talaga. But I am doing my best to behave” sabi ng binata. “She liked you for who you are trust me and stop saying wala kang facial value kasi as far as I can see meron naman” sabi ng dalaga.

“Wow naman flattered ako pero sorry ha kung di kita titignan kasi pag natutuwa ako at maganda kaharap ko e natutuwa din yung…at pag natuwa yon mahhirapan na ako maglakad. Kasi parang the Hulk siya e” biro ni Pocholo at napahalakhak na yung dalaga. “You are funny” sabi niya. “Oo magaling ako magpa ha ha ha, pero sa gabi ah ah ah” landi ni Pocholo at napataas nanaman niya kilay ng dalaga.

“Bastos much?” tanong ni Pocholo. “Yeah” sabi ng dalaga. “Hay, ang hirap talaga magbago. I think I better shut up nalang” sabi ng binata. “Ilugar nalang siguro” sabi ng dalaga.

Nakarating sila sa parking area, napagpad sila sa tabi ng isang puti na SUV. “This is not mine, sa daddy ko ito, hiniram ko lang kasi coding ako” pacute ng dalaga at nanlaki mga mata ni Pocholo pagkat plaka ng dalaga iisang number. “Eight…” bigkas niya.

“Yeah..congressman daddy ko” bulong ng dalaga. “Ahhh…shit akala ko eight yung kanya, pero malapit na ako diyan” sabi ni Pocholo at nakurot siya sa likod kaya namilipit siya sa sakit. “Aray bakit mo ako kinurot?” sigaw ng binata. “E ang bastos mo nanaman e” sagot ng dalaga.

“Eight, ayon o! Yung ID ng marathon ata yon at naka check three kilometers, tapos five, tapos six, seven and eight. E ako ang kaya ko lang so far is six or seven kilometers” nilinaw ng binata. Natulala ang dalaga at napaatras. “Ay…sorry, yeah my dad runs, actually gusto niya maging trialthelete” sabi ng dalaga.

“Ooooh threesome huh” landi ng binata at semi tumaas kilay ng dalaga. “Running, swimming and biking…threesome” pacute ni Pocholo kaya natawa ang dalaga. “Right, so you run pala” sabi ng dalaga. “Not really, pero yeah, so nasan mga bodyguards mo?” tanong ng dalaga.

“Tinakasan ko sila, kaya po madami ako binili kasi sale, tapos bihira ako makatakas ng ganito” sabi ng dalaga. “I understand, o sige na pasok ka na at dadalhin ko narin mga ito sa kotse niya tapos babalikan ko pa sila” sabi ng binata.

“I know your name, she said it a while ago. Would you like to know my name too?” tanong ng dalaga. “Matapos kita bastusin gusto mo parin makipagkaibigan sa akin?” tanong ni Pocholo. “Why not? You said sorry and you are…quite interesting” sabi ng dalaga.

“Miss prettylicious pag kinilala ba kita is that considered as cheating?” tanong ni Pocholo at natawa yung dalaga. “No, so you mean to say porke may girlfriend ka na wala ka na pwede maging babaeng kaibigan?” tanong ng dalaga. “Sabagay, kaya lang maganda ka kasi e, tsk delikado na” sabi ng binata at nagblush ang dalaga at natawa pagkat kinakabahan yung binata.

“Ysabelle with a Y” pacute ng dalaga. “Shit with a y” bigkas ni Pocholo sabay napakamot. Pumasok na yung dalaga sa kotse at agad binaba bintana niya. “Will you relax, I know your name, you know mine. Yun lang naman, we may not see each other anymore diba?” pacute ng dalaga.

“Oo nga, parang one night stand lang ano?” biro ni Pocholo at natawa yung dalaga. “If you say so, never tried that” sagot ng dalaga. “Kung wala akong girlfriend sagot ko dapat is…we should try it sometime, pero meron e kaya it was nice meeting you Ysabelle with a Y” sabi ni Pocholo.

“You don’t have to say with a Y” sabi ng dalaga. “Oh okay, ingat ka” sabi ng binata. “See you around Pocholo” pacute ng dalaga. “You can say Pocholo with a big bird” landi ng binata. “I know kita naman e” sabi ng dalaga sabay turo sa pantalon ng binata. Napatingin si Pocholo sa ari niya at bukol na bukol ito kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

“Wag mo ako pagpapantasyahan ha” landi ni Pocholo, tawang tawa ang dalaga at inuga ang kanyang ulo. “Oh hey may Twitter ka?” tanong ng dalaga. Oniya. Napahalakhak ang dalaga at nahaplos mukha niya, “Gagi, you know what I am talking about, mine is Ysa_Y pacute ng dalaga. “Wala ako ganon e, pero sige gagawa ako” sabi ni Pocholo.

“So ano pipiliin mo nick?” tanong ng dalaga. “Oh trust me you will know its me” landi ni Pocholo sabay ngisi.


POCHOLO: YAKAP
(Book III)


Exclusive to BNK III purchase group only

Linkbucks