black2

Thursday, April 9, 2009

Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas)

Salamangka (The Adventures of Saturnino Satanas)
Gawa ni
Paulito

-WARNING! Para sa mga ayaw magbasa ng mahaba wag niyo na simulan basahin ito pagkat mahaba talaga ito. Para di na kayo magreklamo, sinasabi ko na habang maaga pa.
- Para sa mga atat at gusto araw araw may update, wag niyo na muna basahin. Makibalita nalang kayo sa iba para malaman kung tapos na para saka niyo basahin. Mahirap magsulat kaya wag kayo maghahanap ng kasunod

Prologue

Ako si Benjoe, seventeen years old, bukas eighteen pagkat birthday ko na. Eto ako nakahiga sa salas ng apartment ng kaibigan kong si Art, mayaman siya at bestfriend ko mula nung bata ako. Pinapatira niya ako dito ng libre pagkat mayaman sila, wala kasi akong magulang, mula nung bata ako lolo ko lang nag alaga sa akin.

So far seventeen years na boring life ko, never pa ako nagka girlfriend, never pa ako nakahalik, never pa akong naka….tanging mga kamay ko ang nagbibigay ligaya sa akin sa sandali ng aking kalungkutan. Buti pa si Art gwapo na mayaman pa, may napakagandang girlfriend, at ang dami niyang dinadalang hot girls sa apartment pero ako…hanggang tingin lang ako…minsan nakikinig nalang sa ingay nila. Bestfriend ko siya pero di man lang niya ako ambunan ng grasya.

Eto ako nasa salas nakahiga, si Art at si Cristine, girlfriend niya, nagpapakasarap sa kwarto. Ayaw ko mahiga sa kwarto ko pagkat naririnig ko ang ingay nila. Pag si Cristine ang kasama niya nagseselos ako pagkat crush ko si Cristine at di ko kaya isipin ang ginagawa nila ni Art. Ilang beses na sila nag away, lagi ako nandon para kay Cristine pero lagi naman sila nagbabalikan…bwisit!

Nakaidlip ako pero nagising din lang nang nagbukas ang kwarto nila. Nakita ko lumabas si Cristine, ang ganda talaga niya, nakakaramdam nanaman ako ng paninigas sa shorts ko, nakalimutan nanaman niya magpantalon. Lagi nalang ganito matapos nila magtalik, lalabas siya ng kwarto nakasuot lang ng shirt at panty…lalake din ako ano natutukso din ako…pero okay na ito…karampot na grasya…baon ko para mamayang gabi sa kwarto ko.

“Benjoe ano nanaman ang iniimagine mo diyan?” tanong sa akin ni Cristine at napatingin ako sa kanya. “Oh well you know me naglalakbay nanaman isip ko…far far away in a beach watching the sunset” sabi ko at tumawa siya. “Sino naman kasama mo?” tanong niya. “Of course who else but my crush…you” banat ko at lalo siya tumawa. “Ikaw talaga bestfriend lagi mo ako binobola, ay oo nga pala birthday mo na bukas, ano nakilala mo nab a yung crush mong girl?” sabi nya. Ang tinutukoy niya ay si Jenny, the love of my life pero di niya alam kasi di niya pa ako kilala.

“Di pa e kasi naguguluhan talaga ako sa inyong dalawa e…Jenny or Cristine…its so hard to choose…sooo hard talaga” sabi ko at humalakhak siya at tinuro ang bukol sa shorts ko. Very open kami ni Cristine, para kaming bestfriends nga dahil narin kay Art. “Diyos ko di ko namalayan…ah of course kasalanan mo bakit ganyan yan, hayaan mo huhupa din yan. Di ka pa ba sanay nakikita akong may ganyan pag nakikita kita?” biro ko at nilapitan niya ako at kinurot sa braso.

“Ikaw talaga hmmm…so anong gift ang gusto mo bukas? Teka yung shirt na binigay ko last year di mo naman sinusuot, nagtatampo na ako sa iyo” sabi niya. “Talagang di ko isusuot yon kasi first ever gift sa akin ng babae yon, lalong lalo na galing pa sa iyo so ayaw ko siya masira” sabi ko at tumawa siya at nakihiga sa akin sa sofa. Laging ganito si Cristine, madaming beses nakikihiga siya sa kama ko pag nag aaway sila ni Art. Malambing siya at parang walang malisya kaming ganito…siya wala pero ako madaming madaming malisya pero ayaw ko naman siya bastusin.

“Oy yakapin mo naman ako malaglag naman ako” sabi nya kaya agad ko siya niyakap para di sya mahulog. “Sus pag nahuli tayo ni Art sigurado mapapatay niya ako” sabi ko. “Bakit naman?” tanong niya. “Duh! Bestfriend making yakap the girlfriend, siyempre iba iisipin niya” sabi ko at tawa siya ng tawa. “Di naman, alam naman niya may tiwala ako sa iyo e at mabait ka naman sa akin so okay lang sa kanya. Tutal tulog siya ano” sagot niya. “Pinagod mo siguro” biro ko at tumawa siya at siniko ako.

“Ano na gusto mo gift? Uy yung mura lang ha kasi pinag iipunan ko pa yung iphone e” sabi nya. “Kahit kiss lang okay na ako” bulong ko at bigla siyang humarap sa akin at nagdikit ang mga katawan namin. “Kiss? Lagi naman kita kinikiss ha” sabi nya. “Sa cheeks oo, pero since birthday naman baka pwede…you know” sabi ko at ngumiti sya. “Sa lips?” tanong niya. “Oo pero no pressure naman, I mean okay na din pag sa cheeks” sabi ko at tumawa siya. “O sige, gusto mo now na?” tanong niya at nagulat ako, bumilis ang tibok ng puso ko at parang tumigas lalo ang ari ko. “Bukas nalang para naman lalong maganda ang birthday ko kahit papano” sabi ko sa kanya at tumawa siya.

“Pwede namang isa today tapos isa ulit tomorrow diba?” sabi nya at napangiti ako. Huminga ako ng malalim at nagsimula manginig ang katawan ko, ang bait bait niya talaga sa akin, kahit alam ko ginagawa niya lang ito bilang kaibigan e pwede na to para sa akin. “O bakit ka nanginginig?” tanong niya. “Tinanong pa o…siyempre first kiss ko kaya…tapos sa iyo pa manggagaling” sabi ko at kinurot niya ako. “Bolero ka talaga…so ano gusto mo torrid?” landi niya at nagtawanan kami. “Kahit yung simple lang, di naman ako demanding porke birthday ko” sabi ko at tumawa siya at hinaplos ang pisngi ko. “Ikaw talaga friend, you have been so kind to me, lagi kang nandyan pag kailangan kita, minsan nga parang mas may time ka sa akin compared to Art. Advanced happy birthday bestfriend” sabi nya at nilapit na niya ang mga labi nya sa labi ko, napapikit na ang mga mata ko at sobrang excited.

May kumatok ng malakas sa pinto, agad bumangon si Cristine at tumakbo sa kwarto. “Uy buksan mo, wala akong pants e” sabi nya. Bwisit na bwisit ako, first kiss ko na sana yon at si Cristine pa sana. Galit na galit akong bumangon at binuksan ang pinto, sisigaw na sana ako pero lolo ko ang nandon. “Lolo? Bakit ka nandito?” tanong ko. “Sumama ka sa akin ngayon na!” sigaw niya at hinila ako. “Teka saan po tayo pupunta? Magbibihis muna po ako” sabi ko. “Wala na tayong oras, dalian mo na!” sabi nya at kinakaladkad na niya ako palabas ng apartment.

Di ko alam ano nangyayari, inisip ko na emergency siguro pero wala naman ako maisip na ibang relatives pa ni lolo na kilala ko. “Teka lo magpapaalam pa ako sa kanila, kukunin ko cellphone ko” sabi ko pero nakalabas na kami ng apartment, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko. Humabol si Art at Cristine pero agad ako sinakay ni Lolo sa kotse. “Benjoe san kayo pupunta?” tanong ni Art. “Ewan ko pare, si lolo nagmamadali e” sabi ko pero sinara ni lolo ang bintana. “Teka lo, san ba tayo pupunta? At kailan ka pa nagkaroon ng kotse?” tanong ko.

“Hindi ako lolo mo, hindi Benjoe ang tunay mong pangalan. Wala tayo relasyon whatsoever. Itong kotse binili ko gamit yung perang pinambayad sa akin para alagaan ka. Tapos na ang kotrata ko bukas, malaya na ako bukas” sabi niya at bumarurot ang kotse agad palayo.

“anong ibig niyo sabihin na di ko kayo lolo at di Benjoe pangalan ko? Anong kontrata? Sino nagpaalaga sa akin? Alam niyo kung gimik ito lolo itigil niyo na ayaw ko ng surpresa” sabi ko. “Di ito gimik, sino ang nagpaalaga sa iyo? Sino pa kung ang tatay mo” sabi nya. “Tatay ko? Sabi niyo namatay ang tatay at nanay ko nung baby ako?” sumbat ko. “Kinailangan magsinungaling, yun ang utos niya. Mamaya na kayo mag usap mag ama, basta ako tapos na trabaho ko. Iwanan kita sa kanya then that’s it, mayaman na ako. Tiniis ko malayo sa tunay kong pamilya for seventeen years para lang alagaan ka, ang kapalit, 50 million pesos, so its worth it” sabi nya. “Shet! Fifty million pesos para alagaan ako? Nagpapatawa ka naman lolo e. Oh come on gramps, naka drugs ka ba?” sabi ko.

“Wow lolo ha, ano yan nagdadamo ka na ba? Fifty million for me? Ano ako anak ng artista? O kaya anak ng santo papa?” hirit ko at bigla niya ako tinignan, “Hindi, anak ka ng demonyo” sabi nya at nagulat ako pagkat napaka seryoso ng mukha niya. Wala na ako nagawa kundi tumawa, Mahal ko ang lolo ko kaya hinayaan ko nalang siya na pagtripan ako ngayon. Paminsan minsan lang naman siya magkaganito so sinakyan ko nalang siya sa trip niya.

Dalawang oras na biyahe at pumasok kami sa liblib na lugar, medyo kinikilabutan ako pagkat madilim sa lugar na yon. Ilang minuto pa may malaking bahay na maganda at doon kami dumiretso. Pagkalabas ng kotse ay tumawa ako, “Ah alam ko na to surprise party, well okay sige. Thank you po lolo” sabi ko. “Hindi ako lolo mo! Tara sa loob sigurado ko gusto ka na makita ng ama mo” sabi nya at kinaladkad naman niya ako papasok ng malaking bahay.

Sa loob ng bahay nanlaki ang mga mata ko sa ganda ng mga gamit doon. Mamahalin lahat, mula paintings, mga vase, mga carpet at pati mga sofa ang gaganda. Lalo ako nasiyahan sa mga nagsisigandahan mga katulong na ang iiksi ng skirt, “Wow! This is the best party ever! Lolo the best ka talaga!” sabi ko pagkat alam ko ang mga babaeng yon ay bayaran at nandito sila para pasiyahin ako.

Dumiretso kami sa isang kwarto sa ground floor, lahat ng tao nag bow sa akin habang dumadaan ako. Super ngiti naman ako pagkat feeling ko ngayon ang araw makakatikim narin ako ng luto ng diyos sa dami ng magagandang babae sa bahay. “Alam mo lo, kanina galit ako kasi magkaka first kiss na sana ako. Pero now I am so happy grabe ang gaganda ng regalo mo sa akin lolo, grabe ka after all this years ha ganito din lang pala ireregalo mo sa akin. Wow talaga” sabi ko. “sinabi ko hindi ako lolo mo!” sigaw niya at pumasok kami sa kwarto. Hinila niya ako at napadapa ako sa sahig.

“Tasyo! Bakit mo sinasaktan ang anak ko?” sigaw ng lalakeng nakatalikod. Ang lalim ng boses niya at parang nanggagaling sa lupa. Tumayo ako at nakita ko si lolo na lumuhod at humihingi ng tawad. Medyo kinakabahan na ako at parang hindi na ata acting ito.

“Sorry po, patawad po. Nagawa ko na po yung nakasaad sa kasunduan. Wag niyo na po ako sasaktan” sabi ni Lolo. Humarap bigla ang lalake sa amin, matangkad siya, matanda pero gwapo. Maporma ang suot at mukhang mayaman. “Sige Tasyo pwede ka na umalis…sa wakas anak nagkita narin tayo” sabi ng lalake at agad umalis si lolo.

“Sino ka?” tanong ko at tumawa siya ng malakas. “I am your daddy” sabi nya at bigla niya ako niyakap. “Anong daddy? Patay na ang tatay at nanay ko, ano ba tong nangyayari?” tanong ko. “hindi ba sinabi sa iyo ni Tasyo?” tanong niya. “Oo sabi nya anak daw ako ng demonyo, ewan ko naka drugs ata lolo ko e” sabi ko sa kanya at lalo siya tumawa.

“Hahahaha! Tama si Tasyo anak nga kita” sabi nya. “Yeah right! Don’t tell me ikaw yung demonyo” sabi ko at nginitian niya ako at nagulat ako nang nag iba ang itsura niya, mga kilay niya tumulis at dalawang sungay lumabas sa noo niya. Alam ko gising ako, pero hindi ako makapaniwalang nangyayari ito. “Nice one, hanep sa epeks at costume ha, don’t tell me kaya mo din baguhin kulay ng mata mo” sabi ko at nagkatotoo nga, biglang naging kulay pula ang mga mata niya at takot na takot na ako. “Ah oo nga siyempre expected yon e, alam mo ipapagawa ko yon na red ang mata ng demonyo, sige nga pink nga naman o sige nga” hamon ko at tumawa siya. Tinitigan niya ako at naging pink ang mga mata niya, tumayo na ang balahibo kang magpalit palit ng kusa ang mga kulay ng mata niya. Isa green, isa blue, at pang huli naging kulay rainbow ang dalawang mata niya at napanganga nalang ako sa takot.

“Oh my God” sabi ko at nagalit siya. “Never say bad words iho! Alam mo naman kalaban natin siya” sabi nya at napaupo nalang ako sa sahig sa sobrang takot. “come on stand Saturnino, lets go for a walk, tomorrow is your birthday at bukas magiging ganap ka nang demonyo” sabi nya sabay tumawa ng napakalakas.


Link to the next chapters:


http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/salamangka-adventures-of-saturnino.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-1-saturnino-anak-ng-demonyo.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-2-happy-baby-devil.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-3-bestfriends-with-benefits.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-4-kind-hearted-devil.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-5-revelation.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-6-spiritual-seks.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-7-revelation-2.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-8-power-trip.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-9-evil-sister.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-10-naughty-spirit.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-11-lust.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-12-demonites.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-13-trina.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-14-tanya-seduktiba.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-15-dark-benjoe.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-16-yammy.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-17-sumpa.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-18-petina.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-19-paraiso-sa-kadiliman.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-20-being-human.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-21-island-escapade.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-22-island-escapade-2.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-23-angels.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/04/chapter-24-demons-unite.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-25-pagluluksa.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-26-dark-arts.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-27-tala.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-28-hiwaga.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-29-liwanag.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-30-langit.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-31-first-strike.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-32-chosen-one.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-33-grand-battle.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-34-saturnino-satanas.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-35-limang-bulaklak.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/chapter-36-salamangka.html
http://naughty-pepito.blogspot.com/2009/05/epilogue.html

Linkbucks