black2

Saturday, April 25, 2009

Chapter 21: Island Escapade

Chapter 21: Island Escapade

Pagsapit ng umaga nagkita kita kami lahat sa airport, late dumating si Michelle kaya medyo mainit ang ulo ng girls. Pinakilala ko sila lahat kay Michelle, ayos naman ang lahat pero hinahanap ko si Robert. “Nauna na sila kaya lets go” sabi ni Alyssa kaya sakay na kami lahat sa eroplano.

Magkatabi kami ni Michelle, napapansin kong parang nagkakainitan sila ni Alyssa. After ng plane ride, boat ride at lalong tumitindi ang mga titigan nung dalawa. Pagdating namin sa Bora diretso kami sa hotel, lahat nakakuha ng kwarto maliban ako. “E ako saan ako magkwakwarto?” tanong ko at tinignan ako ni Alyssa. “E di mamili ka kung kanino mo gusto makitabi, ganon lang kadali yon” sabi nyang pataray. “Share nalang tayo sa room ko” alok ni Michelle sabay kinindatan niya ako. Napangiti ako at napakamot. “Ah kukuha nalang ako ng room ko” sabi ko. “Sorry sir fully booked na po kami” sabi ng receptionist.

“If you decide you know where my room is” sabi ni Michelle at nagtungo na siya sa kwarto niya. “If you decide you know where my room is” ginaya ni Alyssa na parang bata. “Alyssa naman e, bakit ka ba nagkakaganyan?” tanong ko at nagsimangot siya. “I don’t like her” sabi nya. “E di mo pa siya kilala e, I am sure magugustuhan mo siya” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. “If you decide you know where my room is also!” sabi nya at umalis narin.

Dumiretso ako sa kwarto ni Michelle, pinapasok niya ako at medyo kinakabahan ako. “Uy nahilo ako bigla, pwede rest muna ako?” sabi nya at nahiga siya sa kama. “Okay lang, pero will you be okay?” tanong ko. “Oo, first time ko mag eroplano at magboat, medyo umaalog alog utak ko. Will you be staying with me in this room?” tanong niya at napangiti ako. “Ah di ko nakuha ko room number nila, so makikibihis lang ako sana” sabi ko at tumawa siya. “Palusot pa, I am willing to share this room with you” sabi nya at napailing ako.

“Sabi ko room hindi bed, iisa kama sa floor ka” sabi nya at natawa tuloy ako. “Nag alok ka pa” sagot ko at tumawa siya. “Di pa kita kilala masyado e….baka anong gawin mo sa akin pag nagtabi tayo sa bed” landi nya. “Harmless ako” sabi ko at tumawa siya bigla, “Ako hindi” banat niya at nagtawanan kami.

Nagbihis ako at namasyal sa labas habang si Michelle naidlip konti. Sa dinami dami pang tao makakasalubong ko si Cristine pa nakita ko kasama niya bagong boyfriend niya. Napuno nanaman ako ng galit, di ko alam bakit pero hanggang ngayon di ko makalimutan ang mga sinabi niya dati. Nakita niya ako pero di man lang kumaway, dinaanan nila ako nagkatitigan kami pero di man lang siya ngumiti. Hindi ako naka invisible, bestfriend niya ako, bakit ganon nalang ang nangyari?

Nagpunta ako sa beach at naupo sa buhangin, dinadasal ko na maging normal ako ulit pero kung ganon din lang ang babalikan ko lalo lang ako masasaktan. Nagsimulang umanbon, mga tao sa beach nagsimula nang magsialisan. Lalong lumakas ang ulan, ako nalang ang natira sa beach area. Dumilim ang langit at biglang kumulog ng malakas, lumakas lalo ang ulan tila nakikiramay sa akin.

After a few minutes may tumabi sa akin, “Saturnino tama na, nandito tayo para mag enjoy” sabi ni Alyssa. Pinunasan ko ang basang mukha ko at ngumiti, tumigil bigla ang ulan at sumilip na muli ang araw. “Sorry, ako pala may gawa non” sabi ko at sabay kami tumayo. Napatingin ako kay Alyssa, napanganga ako sa suot niyang bikini. Wet look siya at hapit na hapit ang suot niya, “Wow, how I really wish you were not my sister” sabi ko at tumawa siya.

Biglang dumating si Michelle, pati siya ang lupit ng suot na bikini. “Nandito pala kayo” sabi nya at tulala lang ako. “Wow, kahit sa floor na ako basta ganyan suot mo” biro ko at tumawa siya. Nagkatitigan muli si Alyssa at Michelle, nag head to foot titigan sila at nag irapan. “Bitch” bulong ni Alyssa. “Slut” bawi ni Michelle at mag aaway na sana sila pero pumagitna ako at hinawakan ko ang mga kamay nila. May tumalon sa likod ko at niyakap ang ulo ko. “Ako nalang kasi, hayaan mo na maglaban yang dalawang yan” sabi ni Jana. “Oo nga tara swim tayo” sabi ko.

“Pedophile!” parehong sigaw ni Alyssa at Michelle at nagtawanan sila. Dumating sina Yammy, Tanya at Trina, nagsaya kami lahat sa tubig. Habang naglalangoy kami may tumawag sa pangalan ni Alyssa, pagtingin ko isang matangkad at machong lalake kumakaway sa kanya. “Halika ipakilala kita” sabi nya at hinila niya ako papunta sa lalake.

Puno ng muscles ang lalake, gwapo siya at agad ako tumingin sa malayo pagkat ang laki ng ari nya at ang ulo lumalabas na sa swimming trunks niya. “Yaps! Eto si Saturnino kapatid ko, Saturnino eto si Yapito” sabi ni Alyssa. Nakipagkamay siya sa akin at agad ko napansin na demonyo din siya. “Yaps Yaps” sabi ni Yaps at napatingin ako kay Alyssa. “Yaps lang ang alam niya sabihin, pero warrior siya, childhood friend ko” sabi nya. “Childhood friend o pinagnanasahan mo ang …” sabi ko at tumawa siya. “Yaps Yaps” sabi in Yaps at tawa ako ng tawa.

“Yaps, pag nandito ka that means nandito din si Lord Waps?” tanong ni Alyssa. “Yaps Yaps” sagot ni Yaps at talagang natatawa ako pagkat nagkakaintindihan sila. Biglang sumulpot si Tsupi at nanlaki ang mata niya nang nakita niya si Yaps. “Hallooo! Hmmm yummeh!” sabi ni Tsupi at biglang tumakbo si Yaps at hinabol niya.

Tawa kami ng tawa ni Alyssa pero nagtataka ako bakit may demonyo sa Bora. “Alyssa, bakit sila nandito?” tanong ko. “Syempre the more the merrier diba? Sabi ni Yaps nandito din si Lord Waps, sana mameet mo siya kasi siya naging master ko once” sagot niya. “So kakampi natin mga yan?” tanong ko. “Oo naman, grupo ni Basilio, grupo natin at yung isang grupo yung neutral” paliwanag niya. Bumalik kami sa grupo at nag enjoy sa paglalangoy.

Habang nag sun bathing ang girls ako ang nautusan kumuha ng drinks at food. Pabalik na ako pero nakaramdam ako ng di magandang aura. Pagtalikod ko nagulat ako at nandon si Basilio kasama niya sina Petina at mga girls niya. “Nagbabakasyon ka din pala Benito” sabi ni Basilio. “Ano to may reunion ba tayo?” tanong ko at tumawa siya. “Of course not, coincidence lang ito, anyway I can see from here kasama mo girls mo at kasama ko din girls ko. Enjoy your vacation Benito” sabi ni Basilio at nakakapagtaka ang ugali niya.

Nagngitian lang kami saglit ni Petina at Serena pero agad din lang nila sinundan si Basilio. Pagbalik ko sa mga girls ko binalita ko kay Alyssa ang nakita ko, pasimple niya sinabi kina Tanya at Trina. Kailangan namin maging alerto pagkat may pagkatraydor daw si Basilio.

After dinner nagsama si Michelle, Jana, Alyssa at Yammy, kami nina Tanya at Trina nagpunta sa isang bar. Nakita namin don si Robert na nakaupo lang sa isang table mag isa. “May naisip ako” sabi ni Tanya. “Ano yon?” tanong ko. “Di ba yung nasa video, gusto mo ba kunan ulit natin ng videong bago?” tanong niya. “E walang taong grasa dito ano” sabi ko. “Hindi, si Tsupi di ba shape shifter yon?” sabi nya at tumawa na ako pagkat nagets ko ang gusto niyang mangyari.

Nakiupo kami sa table ni Robert, agad kong inakbayan ang magkapatid kaya napasimangot si Robert. “Buti ka pa pare, ako walang date” drama ni Robert. “Alam mo pare may pinsan sila mukhang artista, wala din siyang kadate” sabi ko at lumiwanag ang mga mata ni Robert. “Ows? Hmmm baka naman di ako type non” sabi nya. “Aysus, just wait she will be here any moment ipakilala ka namin” sabi ko at excited siya.

After ten minutes may magandang babaeng lumapit sa table. “uy guys meet our cousin Tsu…Chona Tsu” sabi ni Tanya at gusto ko na talagang tumawa pagkat bukang buka ang bibig ni Robert at titig na titig kay Tsupi. “Hi, sino naman tong gwapong ito?” tanong ni Tsupi, tumayo si Robert at inabot ang kamay niya. “Oh my God, ikaw yung gumanap sa Marimar” sabi ni Robert at tumawa ng mahinhin si Tsupi. Nagsisikuan kami nina Tanya, sasabog na kami sa tawa pero nagpigil kami. “Uy di naman no, she is prettier than me, pero flattered ako ha, I like you na” landi ni Tsupi at halos malaway na si Robert.

Naging close si Robert at Tsupi, nasusuka ako pagkat isang oras palang naghahalikan na sila. Ngingiti ngiti pa si Robert sa akin pero tinitiis ko nalang ang tawa ko. Isang oras pa niyaya ni Tsupi si Robert sa kwarto niya, game na game si Robert at panay ang thumbs up niya sa akin. Inabot namin kay Tsupi ang phone para makunan niya ng video, kaya ni Tsupi mag shape shift pero di niya kaya pawalain ari niya.

Sinundan namin sila sa kwarto, nag abang kami sa labas. Nakinig kami sa pinto at dinig na dinig namin ang ungol ni Robert. Tawa ng tawa yung dalawa pero ako ay nasusuka at ayaw ko mag imagine kung ano ginagawa ni Tsupi sa kanya. After twenty minutes malakas na ungol ni Robert narinig namin, konting saglit pa isang napakalakas na sigaw, “Shet Titeeeeh!!!” sigaw ni Robert. Tawa na kami ng tawa at nagtakbuhan palabas ng hotel, sa labas nakita namin ang apat at nagtataka sila bakit kami tumatawa.

Ilang saglit lang lumabas na si Tsupi naka normal form na at inabot ang phone sa amin. “I love you papa Saturnino, kung may friends ka pa tell me ha” sabi nya at sumibat na. Pinanood agad ng girls ang video, pati si Michelle nakinood at nagulat. “Uy siya yan o” sabi ni Yammy at nakita nila si Robert in shock parin ang itsura na lumabas ng hotel. Ang tindi ng tawanan namin, nagtakbuhan kami para di kami makita ni Robert.

Happy ako at nageenjoy si Michelle, si Alyssa napansin kong lagi nakabantay sa paligid ganon din si Trina. Binabantayan maigi ni Tanya yung dalawa pa kaya medyo kampante ako. Late na at nagsibalikan na sa kwarto, naiwan nalang kaming tatlo ni Alyssa at Michelle sa lobby. Nauna si Michelle sa kwarto niya at napatingin ako kay Alyssa. “Pano tayo magsasaya kung naka alerto tayo? Badtrip naman sa lahat pa ng pwedeng puntahan dito pa nagpunta si Basilio” sabi ko.

“Don’t worry naka ready sina Yaps at sina Tsupi, malalakas sila if ever magkabukingan. Umaaligid din si Lord Waps, pero sana wala dito yung mga ibang kasama ni Basilio na si Lord Raizen at Mani-king” sabi nya at bigla ako natawa. “Mani-king?” tanong ko at pati siya natawa. “Hay naku long story pero malalakas sila, lalo na yung best warriors nilang sina Ricardo at Raymundo” sabi niya. “Oh wow what do you think will happen kung magkakabukingan?” tanong ko at napasimangot siya. “Ewan ko e, wag sana kasi we are not ready yet” sabi nya. Niyakap siya at hinalikan sa noo, “Don’t worry, I am sure we will be fine. Siguro nakabakasyon lang sila din like us” bulong ko.

Umakyat na kami, napadaan kami sa kwarto ni Michelle at biglang kinatok ni Alyssa. “Hoy anong ginagawa mo?” tanong ko, naglakad siya papunta sa kwarto niya, nagbukas ang pinto ni Michelle, pumasok si Alyssa sa kwarto niya at nginitian ako.

“Pasok na” sabi ni Michelle at pumasok ako, napatingin ako sa kama, di ko alam pano ang diskarte ko sa sahig. “Kahit tabi na tayo okay lang with me, cr lang ako” sabi nya. Nahiga ako sa kama at inisip kung anong pwedeng mangyari ngayon nandito din sa Bora si Basilio, natatakot ako konti pagkat di ko alam kung sapat na ang aking lakas para mapatay siya.

Lumabas si Michelle sa banyo naka bra at panty lang, agad kong nilayo ang tingin ko at tumawa siya. “Sus nakita mo na mag iinarte ka pa” sabi nya kaya tumawa ako. Nahiga siya sa tabi ko at humarap sa akin, ayaw ko humarap sa kanya kaya sa taas lang ako tumingin. “Uy gentleman effect pa daw” sabi nya at natawa nanaman ako. “Bakit ayaw mo humarap sa akin?” tanong niya. “Ha e delikado na e” sagot ko at tumawa siya. “Ikaw ang landi landi mo dati sa bar tapos ngayong nasa kwarto tayo akala mo kung santo ka” sabi nya. “Santo naman talaga ako” sabi ko. “O if santo ka then walang problema kung haharap ka sa akin diba? Unless may iba kang iniisip” sabi nya.

Humarap ako sa kanya at huminga ng malalim, “O yan” sabi ko. “E bakit di mo ako kaya tignan, ang layo ng tingin mo” sabi nya. Tinignan ko siya at pareho kami napangiti, “O see mahirap ba yan?” tanong niya at tumawa ako. “Focus lang…focus” biro ko at tawa siya ng tawa. “Ikaw pag magbiro ka dati very naughty ka…o bakit ngayon ganyan ka?” tanong niya at napangiti ako. “Eh siyempre noon yon and I didn’t even imagine na magkakaroon ng ganitong chance…alam mo yon pabiro kong sinabi kasi game na game ka din naman sumasabay sa biro ko e” paliwanag ko.

“Ah so hanggang salita ka lang pala” sabi nya at naamoy ko nanaman siya, ang tamis tamis at akoy naakit. “Di naman sa ganon pero madami na nagbago e…like before we were total strangers. E now we are not strangers and…I feel different now” sabi ko at tawa siya ng tawa. “Anong different?” tanong niya at lalo niya nilapit sarili niya sa akin.

“Ah..basta…ah you know…vitwater” sabi ko at lalo siya natawa. “Try one now” hirit ko at napahalakhak siya. “Torpe ka…have balls and say it” sabi nya bigla at napahinga ako ng malalim. “okay…I like you but medyo nahihirapan pa ako maniwala kasi ano bang chances ng tulad ko bigla nalang lapitan ng isang tulad mo…malay ko kung trip mo lang pero you have been good to me and you also make me laugh. Kung sa attraction oo attracted ako sa iyo. Pero di ko matuloy e kasi nagdududa pa ako” sabi ko sa kanya.

“So even if I say I like you di ka maniniwala?” tanong niya. “Sounds good pero oo di ako maniniwala kasi there are so many good looking guys out there and you like the ugly one…I mean napaka imposible that someone good looking as you…beauty and beast fairy tale” sabi ko at tumawa siya. “Ikaw masyado kang palaisip, bakit ka kasi nagfofocus sa negatives mo, tuloy di mo napapansin ang positives. Di mo ba naisip bakit kaya ako gusto nitong napakagandang babaeng to?” sabi nya at tawa kami ng tawa.

“Napakaganda ha” biro ko at ngumiti siya. “O diba? Ang lagi mo kasing iniisip ang alam mong negative, focus ka naman sa good traits mo, like funny ka, kalog ka, at meron din naman kaming instinct e, somehow kaming girls we know if a guy is really good or bolero lang” sabi nya. “O sige pag nagbibiro lang ako or nag take advantage sabihin mo nga sa akin mayaman ka ba? Mapeperahan ba kita? Sikat ka ba para dumikit ako para sumikat din ako? Mainpluwensiya ka ba para madami akong mahinging pabor? Hindi naman diba? So bakit ba kay hirap mong tanggapin pag sinasabi kong I like you?” sermon niya.

“Bakla ako” sabi ko sa tuwa at nanlaki ang mga mata niya. “Seryoso ka?” tanong niya bigla. “Hindi, di ko alam sasabihin ko kasi im so happy hearing what you said and…first time mangyayari to and natatakot ako baka pag nalaman mo tunay na ako ayaw mo na ako. So nakakatakot at di ko alam ano isasagot ko, gets mo ba?” sabi ko at tawa siya ng tawa.

“Hoy seryoso ako” sabi ko. “Grabe ang dami mo sinabi, e ano ngayon kung lumabas ang tunay na kulay mo? I like you for who you are now, if ever magbago man ugali mo or lumabas ang tunay mong kulay then problema ko na yon. Its either tatanggapin ko kung sino ka talaga or if I don’t like it I will tell you. Ano ka ba naman ganyan ang relationship, if you like someone now and learn something new, dapat mag adapt ka or pag di mo kaya sabihin mo sa kanya baka pwede siya magbago para sa iyo. Pag hindi naman meet in the middle, ang sinasabi ko so what kasi e ako do you really know me? What if may nalaman ka din na di mo gusto about me ganon na lang na iiwasan mo ako ganon ba?” sermon niya.

“Sorry, wala talaga akong alam sa ganitong bagay, never ako nagkaroon ng relationship. Pero yung girlfriend ng bestfriend ko naging close kami, crush ko siya matagal na. Super close that I slept with her many times…akala ko we had something special na, when they broke up I was so happy…oo ang sama ko…akala ko magiging kami na pero she found someone agad…she didn’t even consider me…so that’s the closest thing I had to a relationship” sabi ko sa kanya.

“Well buti ikaw may konting experience sa relationship e ako wala” sabi nya at nagduda nanaman ako. “Alam ko nanaman sasabihin mo, imposible kasi I look this way ganon diba? E ikaw if pinagpipilit mo na you don’t look good then bakit ka napapalibutan ng magaganda? Isa lang naman ang sister mo, how about the four? O sige nga, there must be something about you that they like, same din sa akin there are things about you that I like so when I say I like you maniwala ka naman” sabi nya at natahimik ako.

“Okay naniniwala na ako, I like you too honestly pero natatakot ako na di mo ako magugustuhan pag nalaman mo ang tinatago kong sikreto” sabi ko sa kanya at hinaplos niya mukha ko. “Okay, you tell me your secret and I will tell you mine, deal?” alok niya at huminga ako ng malalim. “Michelle, demonyo ako” sabi ko at tinitigan niya ako ng seryoso ng matagal, di siya gumagalaw at nakaktitig lang siya sa akin. After ilang segundo bigla siyang tumawa ng malakas at pinagpapalo ako. Ang tindi ng tawa niya at tinuturo niya ako, nakakaaliw siya tignan pagkat halos maluha luha na siya sa katatawa.

“Hay naku Benjoe, you really can make me laugh. Tulog na nga tayo sakit na ng tiyan ko katatawa” sabi nya. Nahiga na ako ng maayos at humarap sa taas, akala niya nagpapatawa ako nung sabihin ko demonyo ako. Maganda narin siguro ito para di niya itatago sikreto ko, sa tingin niya biro kaya mas maganda nang ganon. Bigla niya ako hinalikan sa pisngi at niyakap, “Goodnight Demonyong Benjoe” bulong niya at pagtingin ko pinikit na niya mata niya.

Oo nga naman, sabi ko dati si Michelle nalang ang magpapatunay na tao pa ako. Sa mata niya tao ako, di na niya kailangan malaman ang katotohanan. Siya nalang ang tangin kapit ko sa aking pagkatao kaya ayaw ko siya mawala.

Linkbucks