black2

Saturday, April 25, 2009

Chapter 20: Being Human

Chapter 20: Being Human

Walang tao sa salas kung saan ako sumulpot, napansin ko ang Christmas decorations, di ko na alam anong petsa o anong araw kaya naglibot ako ng bahay at nahanap ko ang mga girls sa kusina. “Hello” sabi ko at nagulat silang lahat at napatingin sa akin.

Unang sumugod sa akin si Jana at agad ako niyakap ako. “Ano ginawa nila sa iyo? Bakit ganyan itsura mo?” tanong niya sa akin. Nakiyakap narin sina Trina at Tanya pero si Alyssa nakatayo lang at nakayuko ang ulo.

“Di ko alam pati pala demonyo nagcecelebrate ng Christmas” biro ko. “Si Jana ang nangulit, we don’t actually celebrate it and you know why siguro” sagot ni Tanya. “Bakit ang tagal mo nawala, di naabutan ang Christmas, at least nandito ka for new year” sabi ni Jana. “Ha? December 31 na?” tanong ko. “Ano ba ginawa nila sa iyo?” tanong ni Trina. “Tsk…wag mo na itanong…gusto ko na din kalimutan ang paghihirap na dinanas ko…pwede ba makiligo ako gusto ko sana lumabas konti namimiss ko na maging tao” drama ko at lalo nila ako niyakap.

“Sige kukunan kita damit sa condo, ahem ate Trina teleport please” sabi ni Jana at game na game naman si Trina na yumakap sa kanya at nawala sila pareho. “Aba parang close yung dalawa ha, ay teka pano napunta dito si Jana?” tanong ko. “Ever since gusto magkaroon ni Trina ng younger sister or brother kaya yan. Tagal mo nawala madami nang nangyari mamaya na kwentuhan, sige ayusin ko panligo mo sa taas” sabi ni Tanya.

Naiwan kami ni Alyssa sa kitchen, tinabihan ko siya at naghihiwa siya ng mga gulay. “Ano lulutuin mo?” tanong ko. “Naghihiwa lang ako, sila magluluto” bulong niya. Bigla ako niyakap ng mahigpit ni Alyssa, humagulgol siya ng iyak. Gulat na gulat ako at niyakap ko narin siya. “Oy bakit ka umiiyak?” tanong ko pero di siya nagsasalita, pilit kong tinitignan face niya pero ayaw niya bumitaw sa akin. “Alyssa okay lang ako, im still alive you know” bulong ko at tumayo nalang kami doon na magkayakap.

Pagkatapos ko maligo nagbihis agad ako sa dalang damit nina Jana. Nagpaalam muna ako sa kanila na lalabas ako saglit. Diretso ako sa condo para kumuha ng pera, madami na akong namiss lalo na Christmas kaya gusto ko sila bilhan ng mga regalo.

Diretso ako sa mall at nagsimula ako maglibot, ang daming tao doon pagkat year end sale. Kailangan ko sila bilhan lahat ng regalo pero ang hirap mamili pagkat di ko alam kung ano ang gusto ng mga demonyo. Si Jana madali lang pagkat tao siya pero nahihiya ako mamili ng gamit pambabae. Naglibot libot pa ako konti nang bay bumangga bigla sa tabi ko. Pagtingin ko si Michelle at diretso ang tingin niya kunyari di siya ang bumangga sa akin.

“Uy ikaw pala” sabi ko pero tinitigan niya ako at tinaasan ng kilay. “Sorry I don’t know you” sabi nya bigla. “Michelle naman nagbibiro ka ulit” sabi ko at talagang ang bilis ng lakad niya kaya hinabol ko siya. “Uy Michelle anong nangyayari sa iyo?” tanong ko. “Di ka nagtetext, di ka tumatawag, di ka man lang magparamdam” sabi niya at tuloy ang lakad niya. “Sorry na I was busy kasi” sabi ko at tumigil siya at tinitigan ako. “Sinungaling! Ganyan naman kayong mga lalake e, siguro may nahanap ka nang iba, fine with me” sabi nya at naglakad ulit siya. Natawa ako pero hinabol ko ulit siya, “Ito naman kung magsalita akala mo kung may namamagitan sa atin” sabi ko at natawa din siya.

“Dahil ba di kita hinalikan that night kaya di ka na nagtetext o tumatawag?” tanong niya. “Of course not, I was busy talaga ano, tignan mo nga I missed Christmas, kaya eto ako first chance to go out nagmamadali ako mamili ng gifts for my friends” sabi ko. “Gutom ako, feed me” sabi nya at napakamot ako. “Demanding ka” sabi ko at tumawa siya. “O e di, Benjoe…nagugutom ako ilibre mo naman ako o” lambing niya at nagtawanan kami. Sa pizza resto kami pumasok at doon kumain, namiss ko na talaga ang ganitong pagkain kaya dalawang malaking pizza ang order ko.

“Michelle may lakad ka ba mamaya?” tanong ko. “Wala naman, bakit?” sagot niya. “Magpapasama sana ako bumili ng mga regalo, e nahihirapan ako kasi panay babae sila e” sabi ko at masama ang tingin niya sa akin. “You see, e di umamin ka din ano” sabi nya. “Relatives and friends only” sabi ko at tinaasan niya ako ng kilay. “The easiest ay damit” sabi nya. “Di ko alam size nila e at di ko alam mga type nila isuot” sagot ko. “Hmmm…mahirap talaga, kailangan alam ko ano talaga gusto nila” sabi nya. “Yun na nga e, kung clothes madali lang sana, kuha lang ako ano uso pero di ko alam kung type nila yon at ano size nila” sabi ko.

Pagkatapos kumain naglibot kami ni Michelle, pumasok kami sa store na pang babae at di ko talaga alam ano bibilhin ko. “Okay, madaming gamit pang babae dito, so describe mo sila isa isa then tignan natin ano babagay” sabi nya. “Okay si Jana ang youngest, turning 17 soon, may pagkamaldita siya pero malambing siya at makulit din” sabi ko at naglibot libot kami at may nakita siyang set ng underwear. “Naman wag naman yan grabe” sabi ko. “Sira para sa akin” sabi nya at napangiti ako. “Wow nice, sige fit mo siya at tignan ko” sabi ko at tumawa siya at muli ako binangga.

Kahit dinescribe ko na isa isa sina Alyssa, Trina, at Tanya wala parin kaming mapili. Nagkokontrahan kami at never kami nag agree sa isang bagay. “Shet ang hirap, tara bilhin nalang natin yung underwear mo, sama ako sa fitting room ha” biro ko at tawa siya ng tawa. “Alam mo mister manyakis, I think you should shop alone, kung ano feel mo para sa kanila yun kunin mo. Sige ganon nalang, I will wait for you outside then you buy, para di ako kokontra. And besides, it’s a gift naman na napili mo for sure di sila magrereklamo” sabi nya. Ganon ang ginawa namin, namili ako ng mga regalo at pinabalot ko narin. Pagkalabas ko naglibot pa kami at tumapat kami sa isang sex toy shop. Bigla ako natawa nang maalala ko si Yammy, “I just remembered another friend, tara pasok tayo” sabi ko at ayaw niya sumama.

“Ano ka ba ang daming nakatingin o baka sabihin nila ako ang bibili” bulong niya at natawa ako. “Grabe ka naman, halika na, pretty ka naman so mas madami maattract sa iyo pag nakita ka pumasok sa ganito kasi feel nila lonely ka” biro ko at tumawa siya. Hinila ko siya papasok at nanlaki ang mga mata niya sa nakadisplay na mga dildo. Namula ang mga pisngi niya kaya lalo ako natawa. “Uy gusto niya bumili” biro ko at pinagsusuntok niya ako.

“Alam mo pag ganito yung sa iyo papakasalan na kita” landi niya sabay himas sa mahabang dildo. Natatawa kaming dalawa kaya lumapit ako sa kanya at tinuro yung pinakamahabang dildo. “E kung ganito?” tanong ko at nagulat siya, “Ay ayaw ko na, pero in fairness madali ka nang pakainin, kasi damo nalang kakainin mo diba?” sagot niya at tawa kami ng tawa. Kinausap ko yung may ari at inexplain ko na matagal malabasan si Yammy, napaisip siya at may nilabas na naka box.

“Boss eto Butterfly, strap on siya at sigurado ko mapaporgasm siya ng di oras” sabi niya kaya agad ko ito pinabalot. Paglabas namin ng shop madaming tao nakatingin sa amin, “O ano loves kuntento ka na ba sa mga toys na binili mo?” sabi ko palakas at hiyang hiya si Michelle, siniko niya ako ng malakas at mabilis naglakad palayo. Tawa ako ng tawa at agad ko siya hinabol, akala ko galit siya pero pati pala siya tumatawa. “Bwisit ka naunahan mo ako don, sasabihin ko sana na di ka na mamakataeng normal” sabi niya at ang saya saya naming dalawang nagbibiruan.

Gabi na at nag aabang na kami ng masakyan, “So sigurado wala nanaman ako text na matatanggap sa iyo” sabi nya sa akin. “Michelle, kung pwede nga lang sana yayain kita sa amin pero I know you also have to spend time with your parents pero itatanong ko na din lang, gusto mo mag new year sa amin?” tanong ko at napangiti siya. “Gusto ko sana pero alam mo naman…pero masaya talaga ako at nagkita ulit tayo” sabi nya. “I have something for you pala, eto gift for you” sabi ko at agad niya kinuha at pinunit ang wrapper. “Wow, stuff toy…baby devil pa ha” sabi nya. “Sana magustuhan mo, thanks for making me feel human again” sabi ko at napatingin siya sa akin. “Ano?” tanong niya at natawa ako.

“Ah wala, sabi ko wag ka sana makornihan diyan” palusot ko at niyakap niya ang stuff toy. “Akala ko pa naman yung underwear na binili mo…pero I really like it, gusto ko nga ito bilhin kanina pero nahihiya ako baka kasi sabihin mo isip bata ako” sabi nya at pinaghahalikan niya ang baby devil. “How I wish that was me” sabi ko at ngumiti siya, “Ikaw nga” sabi nya at nagulat ako, tumawa siya bigla at hinalikan ako sa pisngi. “Nagseselos ang isang pisngi ko” biro ko at humalik din siya sa kabila. “Teka di kita pinapatawad pala, take me to the beach soon, gusto ko magbeach” sabi nya at napakamot ulit ako. “Demanding ka talaga alam mo ba yon?” sabi ko at nagpacute siya.

“Alam ko naman di mo ako tatanggihan e” landi niya at napangiti ako. “Can I bring friends?” tanong ko at medyo napasimangot siya, “Okay lang basta ang importante basta you take me there” sabi nya. “Okay, I will call you tomorrow” sabi ko at nagulat siya. “Tomorrow na?” tanong niya. “Di naman pero siyempre aaraw arawin ko na pagtawag sa iyo” sabi ko at binangga niya ulit ako. “Happy New year Benjoe” sabi nya at yumakap sa akin. May taxi na at sumakay na siya, pagkalayo nila agad din ako nagteleport pauwi.

Dumaan muna ako kay Yammy, naawa ako sa kanya pagkat wala siya kasama for new year kaya niyakap ko siya at teleport kami agad kina Trina. Gulat yung apat nang makita ako kasama si Yammy. “Hi ate” sabi agad ni Jana at lalo nagulat yung iba nang magyakap ang dalawa.

“Saturnino, sino yan?” tanong ni Trina. “Relax, she knows and nanay niya healer ni daddy at teacher ni Jana” paliwanag ko. “So she is like us?” tanong ni Tanya, “I don’t think so, pero wala siya kasama kaya niyaya ko dito I hope its okay with you” sabi ko at okay naman ang lahat. Mabilis sila naging magkaibigan lahat kaya medyo happy na ako.

Nag light dinner kami para pwede pa kami kumain mamayang hating gabi, dahil namiss ko ang Christmas tinipon ko sila salas at nagsimula na ako magbigay ng mga regalo. Inabot ko sa kanila ang mga regalo nila, lahat sila nagtataka sa akin. “Para saan naman daw itong gifts?” tanong ni Tanya. “Eh that’s what we normal people do, namiss ko Christmas so belated nalang sige na buksan niyo na” sabi ko.

Unang nakabukas ng regalo niya ay si Jana, nanlaki ang mga mata niya “Hala! Hindi ako nagsusuot ng ganito…hala di ako nagsusuot ng ganito” sabi nya pero tumayo siya at dinikit ang blouse sa katawan niya, sunod ang maiksing short sabay tawa siya ng tawa. “Napansin ko nga conservative ka manamit so once in a while pwede naman kasi maganda naman katawan mo e” paliwanag ko at napatili siya at tawa ng tawa.

Binuksan ng magkapatid ang mga regalo nila, sabay pa nila naglabas at napangiti si Tanya. “Underwear ahahahah porke di ako mahilig mag underwear…pero I like it…see through pa ha” sabi nya at tumawa ako. “I love this sneakers…shet naiiyak ako” sabi ni Trina nang isukat niya ang sapatos. “Naiiyak talaga ako...bwisit ka talaga pinapaiyak mo ako” sabi nya. “E kasi naman sa dami ng pera mo nagtataka ako bakit gutay gutay na rubber shoes na suot mo e, so ayaw I got you a new one, kahit walang medyas pwede mo isuot yan” sabi ko at talagang naiyak si Trina at nagtawanan ang iba.

Lahat napunta ang atensyon kay Alysaa pagkat binubuksan niya regalo niya. Nakita niya regalo niya at bigla niya ako tinignan, napangiti siya at pinakita niya ang white dress, tumayo siya at dinikit ito sa katawan niya. “Maiksi ba masyado skirt? Kasi naman laging black suot mo sis, tapos pants lagi so maiba naman” sabi ko at tinitigan niya ako at nginitian. Lahat napatingin kay Yammy, di ko siya tinitignan para di niya mabasan utak ko. “Sige na game open mo na” sabi ni Jana.

Binuksan ni Yammy ang regalo niya at bigla niya ako kinalbit, “Ano to?” tanong niya at bumulong ako sa kanya at bigla niya ako pinagpapalo. Tawa siya ng tawa at tinatago niya regalo niya pero makulit si Jana at inagaw ito sa kanya. Nilabas ni Jana at Butterfly at hiyang hiya si Yammy. “Sex toy yan ha” sabi ni Tanya at bigla silang nagtawanan. Tuloy ang pagsusuntok at pagpapalo ni Yammy sa akin at ang tindi ng tawanan ng iba.

“Kasi may medical condition si Yammy, uy strap on yan tapos may battery pa” sabi ko at tinakpan ni Yammy ang bibig ko at lalo pang pinagsusuntok. “Uy pahiram nito minsan ha” biro ni Trina at hiyang hiya na talaga si Yammy pero nakitawa parin siya. “Wala bang saksakan to baka maubos battery e” banat ni Yammy at lalo kaming nagsaya at nagtawanan.

Habang lahat masayang nagkwekwentuhan, lumapit si Yammy sa akin at nagbulong. “Is Alyssa really your sister?” tanong niya at napatingin ako sa kanya. “Yes, bakit?” tanong ko at ngumiti lang siya. “They all like you” sabi nya at tumawa ako. “Of course naman I am lovable” banat ko at tumawa siya. “Uy nagsisikreto yung dalawa” sabi ni Jana. “Share niyo naman pinaguusapan niyo” sabi in Trina pero sabay din sinabi yon ni Yammy. Nagulat ang lahat at napatingin kay Yammy. “Pano mo alam sasabihin ko yon?” tanong ni Trina pero muli siya sinabayan sa pagsabi ni Yammy. “She can read minds” singit ni Jana at lahat amazed kay Yammy.

“Sinasabi ko lang sa kanya na you all like him” sabi ni Yammy at tulala parin yung tatlo. “We all like him?” tanong ni Jana. “Teka if you can read minds then sige nga basahin mo utak ni Saturnino at sabihin mo sa amin sino ang pinakagusto niya sa lahat” sabi ni Trina at tinignan ako ni Yammy. “Ha? Bakit ganon…di ko na mabasa thoughts mo e magkaharap naman tayo” sabi ni Yammy. Tumawa ako ng malakas at kinindatan siya, “Well I have become stronger now” sabi ko at tumayo si Trina at hinarap ako. “Stronger ka dyan” sabi nya at tinitigan niya ako ng masama at bigla syang napalipad paatras.

“Shet! Ikaw dapat papaliparin ko…ano nangyari bakit parang lumakas ka nga?” sabi ni Trina at lahat napatingin sa akin. “Ewan ko siguro nagmature ako” palusot ko at nagtawanan sila. Sumapit ang alas dose at kumain kami, after ng kainan nagyaya si Jana sa bubong para manood kami ng fireworks.

Lahat kami naupo sa bubong at nanood ng mga fireworks. “So lumakas ka na” sabi in Alyssa sa akin nang naupo siya sa tabi ko. “Siguro nga” sabi ko sa kanya at bigla niya ako tinulak at nalaglag ako sa lupa. Ang sakit ng katawan ko, ang taas ng nilalaglagan ko. “Akala ko lumakas ka na?” sigaw niya, lahat sila tumatawa at nakatingin sa akin. Tumayo ako at talagang masakit ang katawan ko, “Malakas nga ako pero wala akong sinabi na nakakalipad ako!” sumbat ko at lalo sila nagtawanan.

Teleport ako ulit sa tabi nila at nahiga ako sa bubong, “Sa totoo I never tried my powers yet, masubukan nga…lalagyan kita ng malaking itim na pimpol sa noo!” sabi k okay Alyssa. “Bounce” sabi nya at walang nangyari pero feel ko tumalab powers ko. “Bounce?” tanong ko at ngumiti siya. “Akala mo ha, madami ka pang di alam” sabi nya. “Ano yung bounce?” tanong ko at tinuro niya si Jana. Lahat kami napatingin kay Jana at may malaking bilog na pimpol sa noo niya. “Ay! Bakit ako?! Ang sama niyo naman wala naman ako ginagawa e!” sigaw ni Jana at tawa kami ng tawa.

“So you mean kahit anong power kaya ibounce?” tanong ko. “Nope, yang bounce parang trick lang yan, para lang sa minor power trip, pero pag damaging skills di pwede” sagot niya. “Shet madami pa pala akong di alam, teka…tinulak mo ako so akala mo lilipad ako…alam mo ba pano lumipad?” tanong ko. “Uy alisin niyo muna to sa head ko” sabi ni Jana at natawa ako. Isang iglap natanggal ang pimpol at tinignan ko si Alyssa.

“Alam ko pano pero never ko ginagawa kasi nakakahiya” sabi nya at naintriga kami. Biglang tumawa si Yammy pero nagtingan sila ni Alyssa kaya tumahimik siya. “Kasi naman yung tinuro ni Master Waps, aside from daddy kasi may teacher din ako ng dark arts, ang turo nya is you have to put your hand on your organ and concentrate” sabi nya at tumawa ako. “Seryoso ka?” tanong ko at seryoso ang itsura niya. “Oo pero nakakahiya diba? Kaya nga walang demon gusto gawin yon, nakakita ka na ba gumagawa non?” tanong niya at napaisip ako. “So you mean we can fly pero nakakahiya lang yung process kaya di ginagawa?” tanong ko. “Oo I heard that one too before” sabi ni Tanya.

“Oh shet, pwede pala e, so what if emergency situation kailangan mo lumipad, siyempre risk mo na yung kakahiyan diba?” tanong ko. “Oo naman, kaya pag emergency lang if ever ko gagawin yon” sabi ni Alyssa. “Sige nga turo mo sa akin, gusto ko subukan” sabi ko. “Dito? Sa harapan namin?” tanong niya. “Oo, pwede ko naman ipasok hands ko sa pants ko, sige na, okay naman kayo lahat diba?” sabi ko at pumayag naman sila.

“Sige, kailangan mo hawakan bird mo then teka tayo ka muna…hold mo siya then concentrate ka…isipin mo mabuti ang gusto mo mangyari…think of floating muna sa air…parang swimming…then saka na yung direction” sabi nya. Tumayo ako at pinasok ko kamay ko sa pantalon ko at hinawakan ang ari ko. Nagconcentrate ako maigi at walang nangyayari. “Concentrate ka pa! Ganyan ba yung lumakas? Pikit mo mata mo!” sigaw ni Alyssa. Pinikit ko mga mata ko at talagang nag concentrate ako.

Ilang saglit sumabog sila sa katatawanan, pagsilip ko sa kanila lahat sila tumatawa at kinukunan ako ng video. “At eto po ang video ng maliligtas sa mundo, feel na feel niya magmasturbate sa bubong sinasabayan niya ang mga fireworks” sabi ni Alyssa at lalo pang tumindi ang tawanan nila. Para akong engot na naniwala naman sa kanya, pero habang nakikita ko ang mga ngiti nila parang ayos lang sa akin yon.

“Uy galit ka?” tanong ni Alyssa at ngumiti ako. “Hindi, sa totoo masaya ako, masaya ako nakikita kayong masaya. At this moment feeling ko di tayo demons, at this moment tao tayo. Ganun naman dapat e, I know we are demons now, except the two, pero sana pagkatapos nitong lahat kung mabibigyan ako ng wish…I wish I could be human again…no powers. I miss being normal, pero nandito na e so habang pinapanood ko kayong nagtatawanan at least I feel normal kahit papano” sabi ko at tumahimik sila lahat.

“Anyway, I am going to take my friend to the beach, di niyo pa siya kilala pero her name is Michelle. Gusto niyo ba sumama?” tanong ko at parang ang sama ng tingin nila lahat sa akin. “Hay, she is normal, tao lang siya. I know ikaw Jana at Yammy tao din kayo but you two have powers. Michelle has none, in short normal na tao siya. Siya nalang ang tanging koneksyon ko sa human side, if I shut her out then total demonyo na ako at ayaw ko sana yon. Gusto ko parin sana may matirang human side kahit papano, so pwede ba?” tanong ko at napangiti sina Tanya at Trina. Okay narin kina Jana at Yammy pero si Alyssa tahimik lang.

Lahat bumaba na, naiwan kami ni Alyssa sa bubong. Tinabihan ko siya at sinandal ko ulo ko sa balikat niya. “Galit ka pa siguro sa akin about kay Melissa, so mas maganda ata di na ako sasama sa beach” drama niya. “Gusto kita kasama, about Melissa well siguro we were not meant to be. Pero itong Michelle she has been good to me, I like her konti pero sana I can get to know her more. Kalimutan mo na yung nangyari noon, mali din ako e kaya napahamak ka tuloy but everything is okay now” sabi ko at inakbayan niya kamay ko.

“Saturnino if I was not your sister….” Tinignan ko si Alyssa at di niya tinuloy ang sinabi nya. “Ano yon?” tanong ko at sumandal lang siya sa akin at nagyaya nang bumaba. Hinatid ko si Yammy sa bahay nila, excited din siya pagkat sasama siya. “Saturnino…is Alyssa really your sister?” tanong niya ulit at nagtataka na ako sa kanya. “Oo bakit mo ba tinatanong lagi yan?” sagot ko at ngumiti lang siya.

Pinahiga ko na siya sa kama niya at kinumutan, hinalikan ko siya sa labi at naglakad na ako papunta sa bintana. “Hoy gwapo!” sigaw niya at natawa ako bigla kaya humarap ulit ako sa kanya. “Mukhang ginayuma mo kaming lima, lahat nagselos nang banggitin mo yung Michelle, I just want you to know naman” sabi nya. “Sira! Nasa ligaw stage palang ako don ano” sabi ko. “May request ako sa iyo…pwede mo ba lower power mo saglit para mabasa ko utak mo” sabi nya. “What for?” tanong ko. “Sige na, then I will ask you a question, please” hiling niya kaya binabaan ko ang depensa ko at napangiti siya.

“Who among us six do you like the most?” tanong niya bigla at napaisip ako ng maigi. “Ay pantay pantay lang…well at least di ka tulad ng mga playboy na as in walang feelings…happy narin ako…shet matinding labanan to” sabi nya at natawa tuloy ako sa sinabi nya. “Happy new year Yammy, see you in the morning” sabi ko at nagteleport na ako pabalik kina Tanya.

Nadatnan ko ang apat sa salas busy nagplaplano. “Boracay tayo” sabi ni Jana. “Oo nga pero madami tao don sana sa peaceful island nalang kung pwede” sabi ni Tanya. “Kahit saan pwede tayo, madali lang magteleport papunta don” sabi ni Trina.

“Di ata pwede kasi remember yung Michelle tao yon, di niya alam demons tayo” sabi ni Alyssa at napatingin siya sa akin. “So we don’t use powers, we travel normally, eroplano at barko” sabi ko. “E magastos yon e” sabi ni Jana. “Libre, ako bahala” sabi ni Alyssa at nilabas niya phone niya at nginitian niya ako. “Blackmail Robert?” tanong ko at tumawa siya. “Korek! So we can bring as many friends as we want” sabi ni Alyssa at pereho kaming tumawa ng malakas. Yung tatlo tulala lang sila at nakatingin sa amin.

Pinakita ni Alyssa ang video ni Robert na nakikipagtalik sa taong grasa, halos mamatay sila sa tawa. Natawagan ni Alyssa si Robert at no choice siya kundi pumayag. All set na kami kaya tinawagan ko si Michelle, nagulat siya at napakabilis ko naman daw umaksyon.

Bora here we come!!!

Linkbucks