black2

Saturday, April 18, 2009

Chapter 17: Sumpa

Chapter 17: Sumpa

The following evening habang nakatambay kami sa swing ni Yammy may natanggap akong tawag galing kay Tsupi. Napatingin sa akin si Yammy, “Sige go, go save your sister” sabi nya, binasa nanaman niya utak ko. “I will be back when she is safe” sabi ko at niyakap niya ako. “Saturnino take care…I can feel you are agitated…ingat ka ha” sabi nya at hinalikan niya ako sa labi.

Teleport ako agad sa bahay ni Trina, nandon si Tsupi at may kasama siyang isang bakla. “Where is she?” tanong ko. “Dinala siya sa gathering, siya ata ang ihahanda tonight” sabi ni Tsupi. “Anong handa?” tanong ko. “Like what you saw last time, yung babaeng nakikipagsex sa madaming lalake” sabi ni Tanya. “Akala ko ba virgin lang ang ganon?” tanong ko. “Well pag siya ang handa then that means she is a virgin” sagot niya. “Shet how do I stop it?” tanong ko. “I don’t know, no one has tried stopping something like that, every night meron isa or dalawa” sabi niya.

“Tanya, I have to go, pwede pacharge?” lambing ko sa kanya at tumawa siya. “Ako magcharge sa iyo” sabi ni Tsupi at tinitigan ko siya ng masama. “Joke! Ano ka ba grabe ka naman di na mabiro” sabi niya. “Teka nasan si Trina?” tanong ko. “Nandun na sa gathering, you have to hurry” sabi nya sabay nilalaplap niya ako agad. Napahiga kami sa sahig at kahit na umaapaw na ako sa lakas ay ayaw pa niya tumigil. “Hoy ano ba yan? Gusto niyo buhatin namin kayo sa kwarto?” tanong ni Tsupi at bumitaw si Tanya. “Carried away ulet” palusot niya at tawa kami ng tawa. Agad ako nagteleport sa bar, nahanap ko si Trina sa labas.

“Banned daw kami ni ate utos ni Petina” sabi niya sa akin. May nakabantay na guard sa gate at agad ko siya pinaluhod. “Sir maawa na kayo nautusan lang po ako” sabi nya. Agad ko siya binitawan, “Trina I will go alone, uwi ka na” sabi ko. “Pero baka kailangan mo ako mamaya” sabi nya. “If I need you tatawagan kita, sige na I have to hurry bago marape ang kapatid ko” sabi ko at agad siya naglaho.

Pagkapasok ko sa bar tamang tama dinadala na si Alyssa sa gitna, hinang hina siya pero nakadamit pa. Agad ako nagteleport sa harapan ng mga lalake, inagaw ko si Alyssa, nakita niya ako at agad niya ako niyakap. “Hoy wag kang bwaya!” sigaw ng isa at agad ko siya tinapon palayo. Ang daming sumugod sa akin pero isa isa silang pinatalsik ko. Nakaramdam ako ng malakas na sakal sa leeg ko, pagtalikod ko nakita ko si Petina kasama ang lima pang mga babaeng nakasuot ng itim na hood. Lahat ng kamay nila nakaturo sa akin.

“Benito what a surprise…bakit mo inaagaw ang ulam ng iba?” tanong ni Petina at nilapitan niya ako. Napatingin sa akin si Alyssa at nagtataka siya. “Petina I want this girl” sabi ko at tumawa siya. “Naku you are becoming spoiled Benito…pasalamat ka at wala si Basilio dito” sabi nya. “Ganon ba? So kung wala siya dapat lumayo na kayo, I can kill all of you” banta ko sa kanya at tumawa siya.

Agad kami napalibutan ng limang babae, bigla kami nateleport sa isang kwarto at wala na sa kamay ko si Alyssa. Hawak siya ng limang babae at hinahaplos ni Petina ang mukha niya. Di ako makalapit, di din ako makagamit ng powers ko. “Don’t waste your energy Benito, naunahan ka namin, dito sa kwartong ito kami lang ang may powers. Pati si Basilio nagmimistulang inutil dito” sabi ni Petina.

“Petina please, I beg you gusto ko yang babaeng yan” sabi ko sabay lumuhod ako at lalo siya tumawa. “Ano ba kasalanan niya sa inyo?” tanong ko. “Wala naman, she is a virgin at alam mo naman ang rule dito sa bar. Malas nya at nahuli siya, pero Benito tell me why you like this girl?” tanong niya.

“I have seen her before, I like her” sagot ko. “Hmmm she is pretty…alam mo ayaw ko ng mga mas magaganda sa akin e…di ko naman sinasabi na she is prettier than me pero hmmm gusto ko punitin mukha niya” sabi ni Petina. “Petina please…akin nalang siya, kahit ano gusto mo kapalit ibibigay ko” sabi ko at sumulpot siya bigla sa harapan ko. Tinignan ko siya at pinatayo niya ako, tinulak niya ako sa dingding at agad niya ako nilapitan.

“Wow…you really like her…tempting offer Benito…kahit ano ibibigay mo for her?” tanong niya. “Yes kahit ano basta ibigay mo siya sa akin” sagot ko. “I can kill her you know, right here right now…wala kang powers dito Benito…after I kill her I still can have you” sabi nya.

“Petina please…kahit na gawin mo yon, oo maalipin mo ako dito pero gusto mo ba yung napipilitan lang? Liligaya ka ba sa ganon Petina?” sagot ko at napaisip siya. “So what you are saying is if I give her to you, babalik ka at willing ka maging alipin ko?” tanong niya. “Yes, pakawalan mo siya, let me take her to safety and babalik ako kusang loob” sabi ko at tumawa siya.

“I don’t believe you!” sigaw niya at nagsilabasan ang itim na apoy sa mga kamay ng limang babae, lahat nakatutok sa dibdib ni Alyssa. “Please Petin maniwala ka sa akin, let her go and I will come back” makaawa ko at nakita kong umiiyak na si Alyssa. “Fine, pero to make sure you come back…” sabi nya at nilapitan niya si Alyssa.

May puting apoy lumabas sa kamay nya at dinikit niya ito sa ulo ni Alyssa. “Petina!” sigaw ko at tumawa siya. “Relax Benito, nilagyan ko siya ng sumpa…she will sleep…tanging ako lang makakatanggal nito…if I am done with you then aalisin ko ang sumpa…is it a deal?” alok niya at pagtingin ko kay Alyssa nakita ko siya natutulog, nakikita ko ang dibdib nya gumagalaw, humihinga pa siya.

“Pano ko malalaman kung tatanggalin mo ang sumpang yan?” tanong ko at tumawa sya. “Well you don’t, kailangan mo lang magtiwala sa akin…parang ako may tiwala ako babalik ka…I will give you my number…call me when you bring her to safety” sabi nya at isang iglap nasa labas kami ng bar. “Sige go Benito…don’t forget to call me” sabi nya at agad ko kinarga si Alyssa at dinala ko siya sa bahay ni Trina.

Walang tao sa salas kaya sinigaw ko pangalan ni Tanya. Agad sumulpot yung magkapatid at dinala namin si Alyssa sa kwarto ni Tanya. “What happened?” tanong ni Trina. “Si Petina, nilagyan siya ng sumpa, Tanya kaya mo ba alisin?” sabi ko at nakita ni Tanya ang mga puting abo sa noo ni Alyssa. “Wow ibang level to…this is witchcraft already and di ko alam ito” sabi ni Tanya.

“Ginalaw ba siya?” tanong in Trina. “No naman, buti nakadating ako agad” sagot ko. “She is breathing fine, nasesense ko weak ang body niya so I can heal her pero tuloy ang tulog niya” sabi ni Tanya. “Demmet! Pero will she be alright?” tanong ko. “Yes, basta matanggal yung sumpa she will be fine” sagot ni Tanya.

“Meron pa bang ibang witch na alam niyo?” tanong ko at nagtinginan ang magkapatid. “Meron pero patay na siya, nanay ni Petina yon” sabi ni Trina. “Shet naman, so nag aral siya, meron silang room doon sa bar kung saan di ko magamit powers ko” sabi ko at nagulat si Tanya. “Don’t tell me pati siya binabalak niya patayin si Basilio?” sabi ni Tanya.

“I don’t think so, sabi nya labas pasok don si Basilio e, pero pwede siguro kasi si Petina at yung lima ang may powers lang doon sa loob e” sabi ko. “So may napansin ka bang suot si Petina, kasi dapat lahat ng demon walang power don, bakit silang anim meron?” sabi ni Trina. “Oo nga no, demon din sila, pero di ko na napansin kasi focus lang ako sa kapatid ko e” sagot ko.

“Tulad ng singsing ni Basilio, nagawa niya itago ang lakas niya. Im sure ganon yung kwartong yon, may limiter ng powers pero si Petina at yung lima meron suot na pwede nila gamitin powers nila” sabi ni Tanya. “Wait, if she let your sister go, anong kapalit?” tanong ni Trina at napatingin sila sa akin.

“Ako” sabi ko at gulat na gulat sila. “Saturnino di pwede yon, di mo kilala si Petina, ahas yan e” sabi ni Trina at niyakap niya ako. “E ano magagawa ko, I had to agree para lang mailigtas kapatid ko” sabi ko. “Naman e, traydor siya bakit ka naman kasi pumayag e” sabi ni Trina at umiyak na siya. “E kung nangyari kay Tanya yon sigurado naman ako gagawin mo din e at sigurado ako pag siya din nalagay sa sitwasyon na yon gagawin din niya para sa iyo” sabi ko at lalo siya umiyak.

Isang maitim na usok bigla namin nakita sa kwarto. “TADA!!!” sigaw ni daddy at agad nagtago sa likod ko yung dalawa. “Hello dad” sabi ko at super ngiti siya. “O ha bongga ang entrance ko ngayon…so you have your sister already…good” sabi nya.

“Ah dad, natatakot itong dalawa sa likod ko pero I want you to know kakampi natin sila” sabi ko at pinaharap ko ang magkapatid pero di sila pinansin ng daddy ko. Agad niya niyakap si Alyssa at niyugyog. “Oy bakit ayaw magising nito?” sabi nya. “Nilagyan po ni Petina ng sumpa” sabi ni Tanya at nanginginig siya.

“Hmmm sumpa? Demet di ko din kaya to, anyway this neighborhood looks familiar alam mo ba yon?” sabi ni daddy. “What do you mean?” tanong ko. “Residential area ito ng mga demonyo anak, lahat ng nakatira dito demonyo” sabi nya at nagulat ako. “That’s not true!” sabi ko at tinitigan niya ako. “Aba, bakit may kilala kang hindi demonyo dito?” tanong niya. “Oo I have a friend who lives nearby, si Yammy” sabi ko at nanlaki ang mga mata niya.

“Yammy? Anak ni Yamika?” tanong niya. “Ewan ko basta Yammy name niya” sabi ko at tinaasan ako ng kilay ni Trina. Tumawa si daddy at tinignan si Trina, “Hmmm…you like my son…even you” sabi niya sa magkapatid. “Aba okay to ah, anyway si Yamika oo may anak siya na babae, payat siya diba?” sabi ni daddy at naiintriga na ako. “Don’t tell me demonyo si Yammy” sabi ko at tumawa si daddy.

“No, tao sila, si Yamika is my healer, the one who gave you your necklace” sabi nya at natulala ako. “Dad she can read minds at may third eye siya” sabi ko at lalong tumawa si daddy. “I know nagmana siya sa nanay niya. Kasama ko lang kanina si Yamika at mommy mo” sabi nya. “Mommy ko? You found her?” tanong ko. “Oh yes, lagi sila magkasama ni Yamika, so nung nagpakita sa iyo si Yamika alam ko malapit lang mommy mo” sabi nya.

“I want to meet my mother” sabi ko. “Not yet anak, not now kasi madami ka pa kailangan gawin pero I promise you soon you will” sabi nya. “Demonyo din ba nanay ko?” tanong ko at tahimik lang siya. “Pero di ko alam bakit dito sa lugar na ito tumira si Yamika…wait…wait…may napapansin ako sa iyo iho…lumalakas ka ata” sabi nya.

“Trina trained me and Tanya is a healer” sabi ko at ngumiti siya at nilapitan ang dalawa. “Trina…hmmm smells strongs…Tanya…” sabi ni daddy. “So itong si Trina same type with Alyssa, both battle type demons…how nice…pero you are still weak Trina…do you want to become stronger?” tanong ni daddy at napangiti si Trina.

“I can train you like I trained Alyssa…si Alyssa nagpipigil yan para di mahalata ang bloodline ko pero mabangis yan” sabi ni daddy. “opo dad” sabi ni Trina at tawa ng tawa si daddy.
“So isasama ko si Trina, Tanya ikaw muna bahala sa anak ko…that makes two healers, two battle types…hmmm…inbalance…saka na yung dalawa” sabi ni daddy. “Bakit kailangan ba anim, akala ko tatlo lang?” tanong ko. “Yes tatlo lang pero the more the merrier” sabi ni daddy.

“Dad!” sigaw ko at nagulat siya. “Relax anak, go back to the condo someone is waiting for you there” sabi nya. “Mommy ko?” tanong ko. “Maybe…sige na” sabi nya at nawala sila ni Trina. Iniwan ko si Tanya at Alyssa saka bumalik sa condo, nandon si Jana at isa pang babae.

“Hello Saturnino, remember me?” sabi nya. “Ah…its you…akala ko mommy ko nandito” sagot ko. “Your mother…di mo pa pwede makita, its complicated” sabi nya. “So ikaw si Yamika…I know your daughter” sabi ko. “know my daughter or slept with my daughter” sabi nya at napahiya ako. “Well I have feelings for your daughter” sabi ko at tumawa siya. “Lagi sinasabi yan ni Adolfo nung bata kami, anyway I just visited my daughter a while ago and she seems to be happy” sabi naman niya.

“Your mother wants to give you this” sabi niya sabay abot sa akin ng isang maliit na box. Binuksan ko ito at may singsing sa loob. “that belongs to your father before…pero you must not use it yet” sabi nya. “e bakit pa niya binigay kung di ko pwede isuot?” tanong ko. “Basta makinig ka, you will know when is the right time to use that. So itago mo lang yan muna” sabi nya. Pinagmasdan ko ang singsing, mukhang familiar ito pero di ko matandaan kung saan ko nakita.

Nakita ko si Jana natutulog, “Don’t wake her up, pagod siya, I have started training her” sabi nya sa akin. “I see…when can I see my mother?” tanong ko at napatahimik siya. “Kahit saglit lang naman sana bakit ganon ba kahirap yon?” tanong ko.

“Iho, its really complicated kasi. Meron magandang rason bakit di pa pwede. I hope you can understand” sabi nya. “Eighteen years naniwala ako patay ang parents ko. Nagpakita si daddy at gulat ako demonyo pa tatay ko. Happy ako kahit na ganon basta buhay tatay ko. Now I know buhay mommy ko I cant even see her kahit saglit lang. Seeing her would make me feel complete you know” paliwanag ko at parang nalungkot siya.
“I know how you feel iho” sabi nya. “No you don’t, don’t worry di na ako mangungulit. Destiny ko ito so who cares about me diba? Basta gawin ko sinasabi niyo that’s it. I didn’t want to be like this pero nandito na e. Ewan ko bakit ako pa pinili niyong pagtripan na ganito pero ano ba magagawa ko? Hayaan niyo na po basta gagawin ko nalang gusto niyo lahat” sabi ko sa kanya.

“Saturnino naman don’t be like that” sabi niya. “Kayo ho ba gusto niyo din ban a ganito nangyari kay Yammy? Do you think matutuwa siya knowing na may nakalaan na future na para sa kanya? Gusto niyo din ba may dapat na susundin siyang path at di na siya pwede mamili kung ano ang gusto niya? Sa tingin niyo gusto niya lumaki sa ibang tao pero pagtanda niya doon niya lang kayo makikilala? Sa tingin niyo gusto ko ito? Oo madami na ako nagagawa, masaya din na ganito pero I cant even fulfill my own dreams anymore, di na nga ako pumapasok e”

“Im sorry Saturnino, I will tell your mother that you want to see her” sabi nya. “Wag niya, sus if she does not want to see me then I don’t want to see her too. I just hope proud siya sa akin dito sa ginagawa ko. Bumisita nalang siya sa lamay ko pakisabi” sabi ko at nagteleport nalang ako paalis ng condo.

Tinawagan ko Petina para matapos na itong lahat. Inutusan niya ako pumunta sa isang address agad ako nagteleport. Isang malaking bahay sa paanan ng bundok, mala paraiso ang lugar na yon at may batis pa na kay linaw ng tubig.

May sumalubong sa akin na babae at dinala ako sa loob ng bahay. “Paki antay nalang po si madam dito” sabi nya. Ang laki ng bahay at ang ganda ng mga gamit sa loob. Agad ako nahiga sa sofa at sinindi ang napakalaking flat screen tv. Napansin ko panay religious channels ang naka program, natatawa ako pagkat nanonood pala ang demonyo ng ganito. Kung normal na tao nga hindi nanonood nito pero nakakagulat si Petina at ito ang trip niya.

“So nahanap mo ang mga comedy channels ko” sabi ng boses at paglingon ko si Petina pababa ng hagdanan. Maganda talaga siya, napakaputi niya at kahit na demon siya maamo ang mukha niya. “So you watch religious channels” banat ko. “Yes, they make me laugh. Pero panay money making scheme lang yan. Meron din kami channel” sabi nya. “Really, anong channel?” tanong ko at tumawa siya. Nagpalit bigla ang channel at x-rated ang palabas. “Wow! This is nice…balik ka na sa taas at manonood muna ako” biro ko sa kanya at tumawa siya.

“Halika lakad tayo sa labas” sabi nya sa akin pero gusto ko manood. “Halika na mamaya magsawa ka ng live show” sabi nya at nanlaki mga mata ko. “Ows? Promise mo yan ha” sabi ko at tawa siya ng tawa. “Madali ka pala aliwin ano Benito, halika ipapakita ko sa iyo ang favorite spot ko” sabi niya at lumabas kami ng bahay.

Nagpunta kami sa likod ng bahay, meron malaking waterfalls doon, sa ilalim ng falls may maliit na kubo, doon kami naupo. “Ok ah, sa itsura ng lugar na ito di ko aakalain na demonyo ka” sabi ko at ngumiti sya. “Alam mo di ko inexpect na magpapakita ka” sabi nya. “E kailangan e, if I don’t di na magigising si Alyssa” sabi ko. “why do you like that girl?” tanong niya. “Well she is pretty” sabi ko. “I am pretty too” sumbat niya.

“Yeah obvious naman, pero di kita type e” sabi ko at nagsimangot siya. “Sinasabi mo lang yan pero if I know you like me” sabi nya. “Siguro” sabi ko at tumawa siya. “Sigurado yon kasi you touched my boobs remember?” sabi nya. “oo nga pahawak ng isa para pantay” sabi ko at pinisil ko ang isa pang boob niya at tumawa siya.

“Okay ka talaga, prangka ka. Daring ka at matapang. At alam mo ba pinakaba mo si Basilio” sabi nya. “Dapat lang, kung di mo ako pinigilan siguro patay na siya” sabi ko at tumawa siya. “Siguro pero di mo siya mapapatay ng ganon lang” sabi nya. “Yeah I know malakas siya lalo na pag wala yung singsing niya” sabi ko.

“Pero salamat narin at niligtas mo buhay ko, so I came here not only for my sister but also for saving my life” sabi ko. “Youre welcome” sagot niya. “Pero bakit mo nga ba ako niligtas?” tanong ko. “Kasi I like you” sabi nya at tumawa ako. “Yeah right, syota mo na nga ang pinakamalakas na demonyo e” sabi ko. “Oo pero alam mo wala nang thrill sa kanya. Lahat kaya kaming girl kinilig sa iyo that time lalo na nung parang minaliit mo lang si Basilio. Grabe nakiliti ang buong katawan namin talaga. Meron pa palang may maglalakas loob na haharap kay Basilio. So yon alam mo naman kaming girls we love strong men that is why right there I liked you” paliwanag niya.

“Pero Petina about Alyssa, pano ako makakasiguro na aalisin mo yung sumpa?” tanong ko. Tinitigan niya ako ng matagal at huminga ng malalim. “Dito sa lugar na ito mas malakas ka sa akin, pwede mo ako patayin anytime you want. Pero sige tinanggal ko na ang sumpa sa kanya. You can check if you want” sabi nya. Agad ko tinawagan si Tanya, tama si Petina gising na si Alyssa.

Pinatay ko phone ko at tinignan ko siya. “Salamat Petina” sabi ko at ngumiti lang siya. Tumayo siya bigla at naglakad palayo. Sinundan ko siya at tinabihan. “You can go if you want to, di naman kita kaya pigilan, pakiusap lang wag mo ako sasaktan” sabi niya.

“Hindi, may usapan tayo so I will stay until you want me to stay” sabi ko at tinignan niya ako. “Kakaiba ka talaga…so if you stay willing ka maging alipin ko then?” tanong niya. “A deal is a deal diba? Kahit demonyo tayo I still have to follow the terms of our agreement” sagot ko.

“Don’t worry you wont regret it” sabi nya bigla.

(sa mga atat pakibasa lang yung warning sa umpisa...pag may suggestions kayo paki iwan nalang sa blog ko...lalo na yung mga gusto magpasama ng pangalan sa kwento)

Linkbucks