black2

Saturday, April 18, 2009

Chapter 15: Dark Benjoe

Chapter 15: Dark Benjoe

Dalawang araw nang di nagigising si Trina, sabi ni Tanya dapat daw gising na siya at magaling. Halos suko na si Tanya, kitang kita ko sa mga mata niya ang pag aalala, sinubukan parin niya ang lahat, sa sobrang pagod nakatulog siya sa tabi ng kapatid niya. Di ko alam kung ano ang gagawin ko, hinubad ko ang pantaas ni Trina sabay tinapat ko ang kamay ko sa bakas ng sugat niya. Ewan ko ano ang ginagawa ko, dati nung nakilaban kami kay Crispin naalala ko pinasan ko ang lakas ko kay Alyssa, sinubukan ko yon pero napansin ko mas lumala pa ata ang sugat niya kaya agad ko tinigil.

Di ko kasi makontrol ang lakas ko sa kaliwang kamay ko, kaliwete kasi ako kaya sinubukan ko sa kanan naman. Concentrate ako maigi, ilang saglit nakita ko gumalaw si Trina, masaya ako pagkat tama ang ginagawa ko. Konting segundo pa biglang napasipa si Trina, nagising si Tanya at tinignan ako. “Ano ginagawa mo?” tanong niya. “Di ko alam pero she is moving” sabi ko. Pinikit ko mga mata ko at nag concentrate pa, nararamdaman ko ang may kuryenteng dumadaloy sa kamay ko at parang pumapasok sa katawan ni Trina. Pagmulat ko ng mata ko para akong nanghihia, nakita ko bumukas ang mga mata ni Trina at gulat na gulat si Tanya. “Minamanyak mo ba ako?” tanong niya agad at napatawa si Tanya. Parang naubos ang lakas ko at nahilo bigla at nakatulog.

Nagising nalang ako nang nararamdaman ko ang malalambot na labi ni Tanya sa labi ko. “Oy ate ha umaabuso ka na” narinig ko sinabi ni Trina. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko silang dalawa nakangiti sa akin. “Trina okay ka na?” tanong ko at tumayo siya at nagtaray, “Obvious ba? Sus pinakaba mo naman ako natulog ka lang pala bangon ka na diyan at samahan mo ako magkolekta ng datung dali!” sabi nya at natawa ako bigla. Pagtingin ko kay Tanya nakangiti siya sa akin. “Di ko alam anong ginawa mo pero salamat talaga” sabi nya sabay yumakap sa akin at umiyak.

Pagsapit ng gabi pinipilit nila ako wag na sumama pero nagpumilit ako. “Basta uy wag kang manggugulo don ha” sabi ni Trina. “At pag sasama ka kailangan mo magbihis tulad ng porma nila don” sabi nya sa akin. Naglabas si Tanya ng isang polo na ang laki ng kwelyo, pink pa ang kulay nito. “Oh no di mo maipapasuot sa akin yan, umbel pa na pantalon?” sabi ko at tumawa yung magkapatid. “Well kung gusto mo maging in isusuot mo yan kasi 70’s ang trip nila don e, napako sila sa old age pero kami babae pwede kahit ano suot” sabi ni Tanya.

After thirty minutes tumayo ako sa tapat ng salamin at natatawa talaga ako, kulang nalang wig na afro cool na cool na ako. Tinabihan ako nina Tanya at Trina, nalaglag ang panga ko sa suot nila, “Wow, kung ganyan din lang kayo kasexy dapat nagbra at panty nalang kayo, konting galaw niyo lang ata makikita ko na panty niyo e sa taas ng skirt niyo” biro ko at sabay nila ako inakbayan. “Ready ka na?” tanong ni Tanya. “Tara na sa kwarto?” biro ko at kinurot ako ni Trina, “Ito talaga manyakis, tara na nga” sabi niya at isang iglap nakatayo kami sa tapat ng simbahan.

“Ano ginagawa natin dito, suicide mission ba?” biro ko at tumawa sila. “Sa likod ng church may daanan papunta sa under ground bar, doon ang gathering” sabi ni Tanya. “Hanep, sino mag aakala na nandon ang hide out niyo, very nice, lets go” sabi ko at nagtungo kami sa likod ng simbahan. “Kung di ka demon di mo makikita itong hagdanan na pababa sa bar” sabi ni Trina at bumaba na kami.

Pagpasok sa pinto dim ang ilaw sa loob ng bar at okay naman siya pagkat may mild na RnB na music na tumutogtog. Lahat napatingin sa amin, madami napapangiti at tumatawa. Ako lang ang nakapormang 70’s, “Hanep kayo sa trip, mukhang akong alien nito” sabi ko at tawa ng tawa yung magkapatid. Tumayo sa harapan ko si Tanya at binuksan ang mga butones ng polo ko, “Ganito dapat expose mo chest mo konti” sabi nya at inayos ni Trina ang collar ko. Tawa sila ng tawa pero pinanindigan ko ang porma ko.

Nagtungo kami sa bar counter at doon tumayo, nag order si Tanya ng drinks at tinignan ko ang paligid. Nagkalat ang mga nagsisigandahan mga demonyita, sa bawat table may naglalaplapan at naglalamasan. Sa center stage may live show, gang bang nga lang, dalawang lalakeng demonyo nakikipagtalik sa isang babae. “Wow, lagi bang may ganyan dito?” tanong ko. “Pag ang girl demon virgin tapos nalaman ng mga lalakeng demon yan ang mangyayari” sabi ni Trina. “So ganyan mo din nawala virginity mo?” biro ko at sinapak niya ako. “Sira ka, no way, tinimbrehan ako ni ate so nakipagsyota ako sa normal na tao and we did it, kesa naman na ganyan na pipilahan ka, ikaw baka gusto mo pumila diyan?” sabi nya sa akin. “No thanks” sagot ko.

Isang oras kami sa bar at niyaya ako ni Trina at Tanya sumayaw, di ako marunong pero sumama lang ako sa kanila. Tumayo ako at nagpasway sway nalang habang sinayawan niya ako. Nag eenjoy na ako pero biglang tumigil si Trina at Tanya, dahan dahan sila nagtago sa likod ko at may matangkad na lalakeng lumapit sa akin. “Trina! Ito ba yung tarantadong kinakasama mo?” sigaw niya bigla. “Ikaw siguro si Gorilla?” sabi ko at lalo siya nagalit, ramdam ko ang dark aura niya pero kayang kaya ko siya. “My name is Gorio! And who the fack are you?!” sigaw niya. “Pare naman laway mo, wala ka bang manners? Gorilla ka talaga” sabi ko at tumawa si Trina at Tanya at yung ibang demonyo.

“Gago ka ha, ikaw ba yung kinakasama ni Trina?” tanong niya. “Maybe…bakit anong problema mo Gorilla?” banat ko at kinukurot na ako ni Tanya para tumigil. “Talagang sinusubukan mo ako ha, ha! Ako ang boyfriend ni Trina! Sagutin mo tanong ko, ikaw ba ang kinakasama niya?!” sigaw niya ulit. Nilapit ko ang dalawang daliri ko sa ilong niya, “Smell the fingers!” sigaw ko at ang tindi ng tawanan sa loob ng bar.

Galit na galit na si Gorio nararamdaman ko yon, “Ay you don’t recognize the smell? Teka eto ang smell mo” sabi ko at binaba ko zipper ko, “Smell my penis!!!” sigaw ko at super halakhakan ang mga demonyo. “Oh you still don’t know the smell? Ah oo nga pala di pa pala sya nagpapagalaw sa iyo…tsk tsk tsk so sad naman…Oo nagsex kami 24 hours pare…it was soooooo good…yeah baby!!!” sigaw ko sa mukha niya. Pumorma si Gorio, sasapakin na niya ako pero tinitigan ko siya at bigla siya napaluhod, humawak sya sa leeg niya at di sya makahinga. Lahat ng demonyo sa bar gulat na gulat, tumigil ang tugtugin at tangin makaawa ni Gorio ang naririnig.

“Trina halika ka dito” sabi ko at tinabihan ako ni Trina. Pinunit ko ang blouse nya at nandon pa ang bakas ng mga sugat niya. “Hoy Gorilla ikaw ba may gawa nito?” tanong ko at tinignan ni Gorio ang dibdib ni Trina. “Hoy sagot! Ay oo nga first time mo makita boobs nya, SAGOT!!!” sigaw ko at nag oo siya pero hawak hawak parin niya leeg niya.

Binitawan ko siya at tumayo siya, naghahabol siya ng hinga, hinila ko si Trina at hinalikan ko siya sa labi. Nagselos si Gorio at nakita ko dalawang kamay niya may dark flame na at pasugod na sa amin. Naitapos ko siya palayo at dumikit siya sa dingding. Naglakad ako papunta sa kanya at tinitigan ko siya. “Ikaw lalake ka pumapatol ka sa babae! Demonyo o hindi, di mo pwede saktan ang babae!!!” sigaw ko, lumabas ang mga apoy ko sa kamay pero nakaramdam ako ng malakas na dark aura sa paligid.

“Itigil mo yang binabalak mo at pakawalan mo si Gorio!” may sumigaw na lalake. Lumingon ako at isang gwapong lalake na napapalibutan ng mga magagandang babae ang nandon. Napatingin ako kay Tanya at Trina at nakayuko ang ulo nila, siya si Basilio. “Shut up!” sagot ko at isang iglap katabi ko na siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kaharap ko na ang kalaban ko. “I said let him down!” sigaw niya at tinitigan ako. “Hindi ka nagsabi ng please so shut up!” sigaw ko at tinapon ko siya palayo. Tumama sya sa bar counter at nagsigawan ang lahat ng demonyo. Nilapitan ko si Basilio at dahan dahan siya tumayo, “Malakas ka ha” sabi nya sabay tawa.

Nagkatitigan kami at bigla siya ngumiti, napasigaw si Trina at Tanya, alam ko nakawala si Gorio at pasugod sa likod ko. Nginitian ko din si Basilio at nagulat siya, lahat natulala at nagulat nang biglang nanigas si Gorio at nagsisigaw. Unti unti siyang nalulusaw, nanlaki ng todo ang mga mata ni Basilio, hindi ko inaalis ang mga titig ko sa mata nya. Tumalikod ako at hinarap ko si Gorio, “Nanakit ka na nga ng babae tapos titira ka pa ng patraydor…TOO SLOW!!!” sigaw ko sabay baon ng kamay ko sa dibdib nya, same spot kung saan niya tinamaan si Trina. Super sigaw si Gorio, hinugot ko ang kamay ko at dinikit ang hintuturo ko sa noo niya, “I now baptize you Gorio Gorilla!” sabi ko sabay tinatakan ko siya ng krus gamit ang dark flame sa noo. Bagsak sa sahig si Gorio at agad ko hinarap si Basilio.

“Ikaw ano tinitingin tingin mo diya, gusto mo din mapalitan ng pangalan?” tanong ko sa kanya sabay dikit ng hintuturo sa noo niya. Isang iglap ang daming babae sa paligid ko at lahat nakahanda ang mga dark flame nila sa kamay. “Wow, kalalakeng tao mga babae ang nakikilaban para sa kanya. Para kang gang member na walang balls pare, ang laban ng isa laban ng isa hindi gang gang” sabi ko sa kanya. May humawak sa kamay ko na babae, napakaganda niya, matangkad siya at maamo ang mukha. “Tama na” sabi nya at biglang kumalma ang loob ko. Kakaiba ang kapangyarhihan niya, napaatras ako at bigla niya inakbayan si Basilio.

“Sino ka?” tanong ni Basilio sa akin, agad ako nilapitan ni Tanya at Trina. “Ikaw sino ka?” sumbat ko sa kanya. “So bago ka lang dito at di mo ako kilala…Tanya kayo ba nagdala sa kanya dito?” tanong ni Basilio. “Wa ah ah, hoy tayo nag uusap, ako si Benito, ikaw sino ka?” sabi ko at tumawa siya. “Benito…I like you…pinatay mo ang kanang kamay ko na ganon kadali…tsk tsk tsk…” sabi niya at bigla niya inalis ang suot niyang singsing at bigla ako nakaramdam ng napakalakas na dark aura galing sa kanya.

Nanigas ang buong katawan ko, lumayo sa tabi ko ang magkapatid. Tumayo sya sa harapan ko at kakaibang takot ang bigla kong naramdaman. Itim na apoy lumabas sa kamay niya pero may kakaibang silaw ito, may matingkad na pulang kulay sa gitna at nilapit niya ito sa dibdib ko. Di pa tumatama ang kamay niya pero nasusunog na ang balat ko, nagpigil ako ng sigaw pero napakasakit talaga. “Next time na ipapanganak ka tandaan mo ang pangalan ko ha” sabi nya at lalo niya nilapit ang kamay nya sa dibdib ko. Mamatay na ako alam ko yon, malakas talaga si Basilio, hinawakan ng babae ang kamay niya, “Basilio wag, I like him” sabi niya. Nawala bigla ang apoy sa kamay ni Basilio at bigla niya tinignan ang katabi nya. “You like him?” tanong niya. “Yes I like him” sabi ng babae. “Okay Petina he is all yours” sabi ni Basilio.

Nakahinga ako ng maluwag at nakakagalaw na ako. Nilagay ng babae ang kamay niya sa dibdib ko at mga sugat ko biglang nawala at nanumbalik ang lakas ko. Hinila ko si Trina at napatingin sa kanya si Petina. Dinikit din niya ang kamay niya sa dibdib ni Trina at mga bakas ng sugat niya nawala. “Wag ka na magtataka Tanya, di na ako useless tulad ng inaakala mo. Now you know why Basilio likes me better…and I like your new pet” sabi ni Petina.

“Salamat sa ginawa mo Petina, but I don’t like you” sabi ko at nagsimangot siya. Humawak sa magkabilang kamay ko ang magkapatid sabay napangiti sila. “Pero Petina, nice boobs” sabi ko sabay pisil sa isang dede nya. Kinurot ako ni Trina at napatawa si Petina. “Hmmm…babalik ka din” sabi nya pero naglakad na kami palayo.

Naupo kami sa isang table, pareho silang gigil at inaakbayan ako. “Shet ang galing galing mo Benjoe” sabi ni Trina. “Benito ano, grabe ang saya ko pero di ko lang maipakita talaga” sabi ni Tanya. Napansin ko lahat ng babaeng demon nakatitig sa akin, yung iba kumakaway at yung iba nagpapacute. “O yan sikat ka na and they like you” sabi ni Tanya at naramdman kong humigpit ang kapit ni Trina sa akin. “What does Petine mean when she said she likes me?” tanong ko. “Sabi ko nga sa iyo pag may dating ang demon guy mabilis magkagusto sa kanya ang demon girl” sabi ni Tanya. “E she is with Basilio diba?” tanong ko. “Whatever Petina wants binibigay ni Basilio” sagot ni Tanya.

“Ganyan kayong mga lalake talaga for sure kakagatin mo alok ni Petina” drama ni Trina at natawa ako. Inakbayan ko silang dalawa at natawa. “Di ko type si Petina, happy na ako sa inyong dalawa” sabi ko at napatingin si Trina sa akin sabay sa ate niya. “When I was unconscious…you and ate?” tanong niya. “Yes we did, are you mad?” tanong ko at napasimangot siya konti. “I am sorry pag galit ka pero your ate was so down and worried about you…pinasaya ko lang naman siya e” sabi ko at nakaramdam ako ng kurot galing kay Tanya. Ngumiti si Trina at niyakap ako, “Im not mad, okay lang basta ako at si ate lang” sabi niya at napangiti si Tanya. “So pwede siguro tayong magthreesome…I never tried that” biro ko at tinignan ako ni Trina ng masama. “Okay lang ako” sabi ni Tanya. “Sige why not” sabi ni Trina at tuwang tuwa naman ako.

Habang nag eenjoy kami sa inuman may dumating na bading na demonyo at may dalang mga drinks. “Oy sis sikat kasama niyo, eto pinamimigay ng ibang girls” sabi nya. “Uy Tsupi, long time no see, upo ka muna drink with us” sabi ni Tanya. Naupo yung bading sabay nagpacute sa akin. “Shet may baklang demonyo din?” tanong ko at tumawa yung magkapatid. “Hoy panget akala mo type kita? Sus nevah! Madaming gwapo diyan ano pero pahipo nga” sabi nya at hinipuan niya talaga ako at malanding tumawa.

“Uy sis Tanya, if may binabalak kayo I want you to know jojoin kami ng troops ko” sabi ni Tsupi. “Hala ano binabalak?” tanong ni Tanya. “You know pagrerebelde o pagpapatalsik…I just want you to know handa kami kumalas at sasama sa inyo” sabi ni Tsupi. Tumawa si Tanya at tinignan ako, “Wala kami binabalak na ganyan, gusto lang namin sana ipakilala si Benito sa grupo, e uminit ulo niya kasi yung ginawa ni Gorio” paliwanag ni Tanya. “Hmmm im just saying naman if ever lumakas pa si Benito Baby at isipin niyo magrebelde ay makakaasa ka sa amin” sabi ni Tsupi. Nagulat ako nang biglang nagpalit ng anyo si Tsupi, naging babae siya at tumayo, “Shet talaga tong balls na to o” sabi nya sabay alis. Tawa kami ng tawang tatlo, “Shapeshifter si Tsupi ang troops niya” paliwanag ni Tanya. “Kaya mag ingat ka dito, di lahat ng babae dito babae talaga” sabi ni Trina at di ko mapigilan matawa.

Napahawak ako sa dibdib ko, nararamdaman ko parin ang ginawa ni Basilio, di ko alam pano ko siya lalabanan. Malaking misteryo ang singsing niya, pag suot niya yon para naitatago niya ang tunay na lakas niya. “Hey, wag mo na dibdibin yon malakas talaga siya sabi sa iyo e. Pero malakas ka din kasi parang mani mong napatay si Gorio” sabi ni Trina. “Yeah malakas siya pero lalakas din ako” bulong ko at natahimik sila. Bumalik si Trupi, “Benito Baby pinapatawag ka ni Basilio” landi nya. “Ano kailangan niya sa akin?” tanong ko. “Malay ko, halika na baby Benito dadalhin kita sa kanya” sabi ni Tsupi.

Nagpunta kaming apat sa VIP room ni Basilio, nakaupo siya at napapalibutan ng anim na babae. “Benito halika dito” sabi ni Basilio at akoy lumapit. “I want you to join us, nakita ko wala ka pang marka. Malakas ka at kailangan ko ang mga tulad mo. Gusto sana kitang gawin bagong kanang kamay ko pero masyado pa maaga. So I am going to give you your own area, kahit saan mo gusto dito sa Pinas, and you get to have three companions to serve you” sabi nya at may dalawang lalakeng lumapit, yung isa hinawakan ang kamay ko at yung isa may hawak na nagbabagang bakal. “Tatakan niyo na yan” sabi ni Basilio.

Nilapit na yung nagbabagang bakal sa kamay ko, biglang nanigas ang may hawak, “Ayaw ko matatakan, kung gusto mo tatakan mo sarili mo at kasama mo” sabi ko at imbes na ako ang tatakan, tinatakan ng may hawak ang sariling noo nya, sigaw siya ng sigaw sa akin, pinulot ko yung bakal at tinatakan ko din ang noo ng isa pang lalake. Pareho sila bagsak sa sahig at tumawa si Basilio. “Okay ka matigas ka talaga Benito” sabi nya. “Talagang tinitigasan ako sa mga kasama mo, masyado madami ang anim, magbigay ka naman” sabi ko at humalakhak siya. “Hmmm…speaking of girls…yang magkapatid sa iyo na, I don’t need them anymore” sabi nya at nagulat si Tanya at Trina. “Pero kailangan mo ako Basilio!” sigaw ni Tanya.

“Marunong ka ba magbilang Tanya? Nakikita mo may anim na akong girls diba? Pinalitan ko na kayong dalawa, so its either kunin kayo ni Benito or balik kayo sa low level form” sagot ni Basilio at alam kong galit na galit si Tanya. Tumawa pa si Petina pero agad ako umentrada. “Actually sila nga ang gusto ko kasama, and my third choice would be Tsupi” sabi ko at nagulat si Tsupi. “Me? Papa Benito you chose me?” tanong ni Tsupi. “Shut up na bago magbago isip ko” sabi ko at tumawa si Basilio.

“Congratulations Tsupi, sa wakas hindi ka na alila dito sa bar” tukso ni Basilio. Naiiyak si Tsupi at lumabas siya ng kwarto. “So Benito si Tanya na magpapaliwanag kung ano kailangan mo gawin. You just have to report here every week to give me updates” sabi ni Basilio. “Shut up, pupunta ako dito kung gusto ko. Wag kang maghahari harian sa akin Basilio balang araw ako papalit sa iyo” banta ko at tumawa siya ng malakas. “Okay ka talaga, matapang ka at mataas ang pangarap mo. Im sure you will make me proud” sabi nya. “Hoy buwaya ka, ibalato mo na sa akin yung ibang tsiks mo” banat ko at kinurot ako ni Trina at Tanya. “Hahahaha galit na mga alaga mo Benito…if you wanna taste my girls just say so, di naman ako madamot e” sabi nya sabay kinindatan ako ni Petina.

“Trina and Tanya retain the house and all royalties they have, wala akong pipiliin na lugar, kung saan ko gusto doon kami” sabi ko at masama ang tingin ni Basilio sa akin. “Nagsisimula ka palang spoiled ka na, ano naman ang ibibigay mo sa aking kapalit?” tanong niya. “Ulo ni Saturnino” sabi ko at nagulat silang lahat. Isang iglap kaharap ko si Basilio, masama ang tingin nya sa akin. “Ulo ni Saturnino ha…hmp…if you can do that ako mismo ang sasamba sa iyo” sabi nya sabay tinawanan niya ako.

“Sige gawin mo yan para gawin kong display ang ulo niya sa kwarto ko” sabi nya. “Kung di ka pa niya mapatay” sabi ko at lalo siya nagalit. “Mag ingat ka sa mga sinasabi mo Benito…mag ingat ka” banta niya. “Ah shut up buwaya, sige alis na kami” sabi ko at umalis na kaming tatlo.

Teleport kaming apat sa bahay nina Tanya, naupo kami sa salas at umiiyak parin si Tsupi. “Hoy bakla tumigil ka na nga” sabi ko. “Benjoe naman, hayaan mo na tears of joy yan. If you only know gano kahirap ang mga low level demons. Ngayon makakatikim narin siya ng magandang buhay thanks to you at napili mo siya” paliwanag ni Tanya. “Thank you talaga Papa Benito, this is so basta” sabi ni Tsupi at natatawa kami.

“Tsupi gano kadami ang troops mo?” tanong ko at lahat sila napatingin sa akin. “Madami ang federasyon papa Benito” sagot niya. “Good, tell them to get ready” sabi ko at nagulat si Tanya. “Benjoe, ano binabalak mo?” tanong ni Tanya. “Kailangan mo pa ba itanong? I know you want this to happen din naman diba? Tinakwil kayong dalawa remember?” sabi ko. “Oo nga ate” sumbat ni Trina.

“Tanya turuan mo si Trina, we need funds para mabilhan natin ng bahay sina Tsupi” sabi ko at tuwang tuwa si Tsupi. “Papa Benito we can earn money our own way” sabi ni Tsupi. “Fine, basta we need funds, Trina ikaw na bahala magtraining sa troops ni Tsupi” sabi ko. “We also know how to fight” sabi ni Tsupi at bigla syang napahawak sa leeg niya. “Ganyan kaya niyo?” tanong ko at nagmakaawa siya.

“So Trina turuan mo sila. It will take time before we make our move pero I promise itutumba natin si Basilio” sabi ko at happy sila. “Pero if ever makakayanan lang natin yung tropa niya, pero pano siya?” tanong ni Tanya. “Ako bahala sa kanya” sagot ko. “E nakita mo naman gano siya kalakas diba?” sabi ni Trina.

“Magpapalakas din ako, I don’t know how but I will. So kailangan ko muna umalis. I will come visit you from time to time. Wag niyo ako hahanapin okay?” sabi ko. “Pero Benjoe sabi sa propesiya tanging si Saturnino lang ang makakapatay kay Basilio” sabi ni Tanya. Tinignan ko sila sabay napangiti, nanlaki ang mga mata niya at parang nashock sila. “Don’t tell me…ikaw si Saturnino?” sabi ni Tanya nanginginig pa boses niya. “Ha? Sus wag ka masyado nagpapaniwala sa propesiya, malay mo may ibang propesya na si Benito pala makakapatay kay Basilio diba?” sabi ko.

“Ikaw si Saturnino ano?” tanong ni Trina. “Bakit ba bigla niyo naisip na ako si Saturnino?” tanong ko. “Shet sabi ko na nga ba kakaiba ka e. tignan mo ate sabi mo wala ako taste sa lalake. Weh! Malakas instinct ko sa malakas na lalake kaya diba Saturnino?” landi ni Trina sabay yakap sa akin. Natawa ako at nagpumilit na di ako si Saturnino. “Your secret is safe with us, kung inaakala mo isusumbong ka namin para lang makabalik kami sa inner circle ni Basilio nagkakamali ka” sabi ni Tanya.

Huminga ako ng malalim at tinignan sila isa isa, “I guess I have to trust you three then, yes ako nga si Saturnino” sabi ko at lalo ako niyakap at pinaghahalik ni Trina. Tawa siya ng tawa at gigil na gigil sa akin. “No wonder nabuhay mo si Trina, may iba kang lakas talaga” sabi ni Tanya at nagulat si Trina. “Ikaw bumuhay sa akin?” tanong niya. “Actually ate mo nagheal sa iyo pero kulang e, I tried lang naman and it worked” sabi ko at lalo pa niya ako pinaghahalikan.

“So this is where the rebellion starts, sabi sa propesiya magkakaroon ng rebelyon sa kampo ni Basilio, di ko akalain tayo pala yon” sabi ni Tanya at pati sya tawa ng tawa. “Sis kinikilabutan na ako sa excitement! Gusto ko tadtadin ang maliit na penis ni Basilio tapos ipakain ko sa mga alaga kong gold fish” sabi ni Tsupi at lahat kami nagtawanan.

“Pero mahina ka naman” sabi bigla ni Trina at napangiti ako. “Kaya nga siya aalis e, kasi di pa nagmamanifest tunay na lakas niya. Saturnino magpalakas ka, Trina turuan mo din ako lumaban. Gusto ko durugin yang mukha ni Petina at yung pumalit sa atin mga gaga yan” sabi ni Tanya at tawa ulit kami ng tawa.

“I don’t know kailan ako babalik, pero please be safe. My secret I leave with you three, if ever ipaalam niyo kay Basilio okay lang maiintindihan ko bakit niyo nagawa. Pero may tiwala ako sa inyong tatlo…oo pati ikaw Tsupi kahit ngayon lang tayo nagkakilala. Avoid conflict with other demons muna, pag nilalait nila kayo tiis lang at gaganti din tayo” sabi ko sa kanila.

“At least now alam ko gaano kalakas si Basilio, nakita ko din pano niya kayo itrato. Don’t worry I shall keep you safe from my daddy Adolfo, if ever nakaharap niyo pala siya just tell him you know me. Oy teks teks tayo ha” sabi ko at napangiti sila lahat.

Dito nagsisimula ang aking pakikipaglaban, nung una di ko masyado gusto ang destiny na sinasabi sa akin ng daddy ko. Ngayon naiintindihan ko na bakit kailangan ko gawin yon. Ako nga lang daw makakapatay kay Basilio kaya kailangan ko tanggapin ito. Magpapalakas ako at hahanapin ko ang pangatlong tala…Basilio maghanda ka na.

Linkbucks